^

PSN Showbiz

Jaclyn kinukunsinti ang paglaki ng ulo ni Andi?!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Napakaaga pa ng kanyang career para magkaroon ng attitude problem si Andi Eiegenmann. Na­katutuwa nga na nagawa niyang maging pasensiyosa ha­bang hinihihintay na masimulan niya nun ang Agua Bendita.

Medyo natagalan pa ang pagpasok niya dahil ki­na­gat ng mga manonood ang batang gumanap ng role ng mga batang Agua at Bendita noon.

Baka nga kung hindi pa nagtaray ang nanay niyang si Jaclyn Jose ay matatagalan pa bago magdalaga sina Agua at Bendita.

Nang unang ma-extend ang series, pumayag si Andi pero nang hilingan siya ng another extension ay tu­mang­gi na dahil napapagod na raw siya. Ngayong ta­pos na ang serye ay saka naman naglalabasan ’yung mga balitang napakahirap pala niyang i-manage. Ewan ko kung totoo na nagpi-primadonna ito at kinukunsinti pa ng ina? Tsk!

Sana naman tsismis lang ito. Sayang naman kung totoo dahil may promise si Andi. Malaki pa ang lalak­ba­yin ng career niya pero sigurado na ang pagsikat niya.

Ngayon ay may mga lumalabas na hindi magagandang kuwento tungkol sa kan­ya, aba, baka ma­bantilawan pa siya!

Dapat ayusin nila ito ni Jaclyn. Sasayangin ba nila ang magandang nasimulan niya? ’Yun namang attitude problem, nababago, for the better.

* * *

Kawawa naman sina Raymart Santiago at Claudine Barretto kung maghi­hiwalay sila dahil sa hindi magagandang balita na kinasangkutan ni Claudine. Ganun ba kababaw at karupok ang relasyon nila, na sa kaunting dagok ay bibigay sila agad? Sana hindi.

Pero sa presscon ng Bantatay na kung saan ay tampok si Raymart, itinanggi niya ang balita. Kahit pina­kiusapan ang lahat na huwag magtanong sa kanya tung­kol sa isyu kina Claudine at Angelica Panganiban, hindi rin siya nakaiwas na matanong tungkol dito. Sinabi lamang niya na nasabi na niya ang kailangan niyang sabihin, suportado niya ang asawa, ito ang pina­niniwalaan niya at hindi ibang tao. Hindi rin totoong naghiwalay sila o maghi­hiwalay dahil lang sa nangyari.

Oo naman, mas malalaking pagsubok na ang nalampasan nila, ngayon pa ba kayo bibigay? 

vuukle comment

AGUA BENDITA

ANDI

ANDI EIEGENMANN

ANGELICA PANGANIBAN

BENDITA

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with