^

PSN Showbiz

Sarah suportado ng Sunsilk sa Record Breaker

-

MANILA, Philippines - Naging successful ang Record Breaker concert tour ni Sarah Geronimo kamakailan sa United States and Canada kaya excited naman ngayon ang mga fans dito sa Pilipinas dahil iikot na ang Pop Princess sa mga probinsiya.

Katulong ang Sunsilk, Viva Concerts and Events, ang Record Breaker tour ay natapos na sa Cagayan de Oro at Ormoc. Kasunod na ang Lipa, Batangas bukas, Sept. 17, Cabanatuan, Sept. 24, at Zamboanga, Sept. 30.

Masuwerte rin ang mga manonood dahil maraming handog ang Sunsilk. Maaaring makakuha ng mga libreng tiket (1,000) at free make-over sa Pop Up Salon na tatlong araw nasa concert cities.

Bawat isandaang mamimili ng Sunsilk shampoo sa lugar na nabanggit ay may pagkakataong manalo ng dalawang tiket kung ipakikita ang proof of purchase. Ang libreng make-over ay pagsa-shampoo at conditioning ng buhok, blow dry, at may photo session pa ng final make-over. Para makakuha nito, bumili lamang ng isang Sunsilk Shampoo bottle o Sunsilk Conditioner tube; o isandosenang Sunsilk Shampoo o conditioner sachet.

Tulad ng nakaraang Sunsilk treats, ang unang trentang shoppers na darating sa pagbisita ni Sarah, na may ipakikitang P200 proof of purchase ng kahit anong shampoo o conditioner sachet, bote, o tube, ay maaaring makapagpapirma at magpa-litrato kasama ang Pop Princess. At maiuuwi agad ang souvenir print!

Ang mga venues kung saan maaaring mapuntahan si Sarah sa mga nasabing probinsiya: Citimart Baymall at SM Lipa (Sept.16), NE Pacific & Save More Megacenter sa Cabanatuan (Sept. 23), at Southway Square Zamboanga (Sept. 30).

vuukle comment

CABANATUAN

CITIMART BAYMALL

POP PRINCESS

POP UP SALON

RECORD BREAKER

SARAH GERONIMO

SAVE MORE MEGACENTER

SOUTHWAY SQUARE ZAMBOANGA

SUNSILK

SUNSILK SHAMPOO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with