^

PSN Showbiz

Ready for pick-up, mga naiwang gamit ni James ikinahon ni Kris

- Veronica R. Samio -

Tawa lang nang tawa si Gelli de Belen habang ikinukuwento sa kanya ng movie press ang sinabi ni Raymart Santiago na kinikilig ang asawa nitong si Claudine Barretto sa kanilang pagtatambal sa Bantatay. Naging item pala sila ng aktor mara­ming taon na ang nakakaraan, nung 16 years old pa lamang si Gelli. Bago ito, nagkasama na rin sila sa isang pelikula ng Star Cinema.

“Hindi maiiwasan na magkasama kami sa isang project dahil maliit lamang ang GMA. Kahit lumipas na ang maraming taon ma-appeal pa rin si Raymart pero, siyempre, pinakama-appeal pa rin si Ariel (Rivera, her husband).

“Malaki na rin ang ipinagbago ni Raymart. Kung dati ang gulu-gulo niya, ngayon nag-mellow na siya. Hindi lang siya pati na rin ako, at comfortable kami sa isa’t isa,” sabi ni Gelli na muling sinabi na ‘yung pagma-migrate nila ng kanyang pamilya sa Canada ay hindi pa ngayon magaganap. “Kapag nasa college na ang mga anak ko. Grade 4 lang sila ngayon,” pagtutuwid ni Gelli.

Ikinatutuwa ni Gelli na marami siyang work ngayon.

“Masarap na mahirap. It means less time for the family dahil pareho kami ni Ariel na merong ginagawa, and less time for rest pero we make up for quality time,” dagdag pa ng artista na umamin na palaging maingay siya, mataas ang boses pero rare na nagpataasan sila ng boses ni Ariel sa 13 years nila bilang mag-asawa.

“Wala akong matandaang nag-away kami ng grabe ni Ariel. Kung meron man, napaka-petty. Mabilis kaming nakapag-adjust, siguro dahil bago kami nagpakasal ay limang taon na kaming magkaibigan, alam na namin kung ano ang makakapagpainis sa amin kaya naiiwasan na namin ito. Ako nga selosang selosa pero never itong nakita’t naramdaman ni Ariel. Never ko ring sinabi ito sa kanya. ‘Yung pagsasama namin muli ni Raymart, kung si Claudine kinikilig, si Ariel dedma lang. Sa amin ni Raymart, wala nang kilig, ‘yung fondness na lang meron,” paglilinaw pa ng aktres.

Ang Bantatay ay kuwento tungkol sa extra-ordinary bonding ng isang aso at ng kanyang amo na isinulat ni Des Severino at nasa direksiyon ni Don Michael Perez at magbibigay ng mahahalagang impormasyon sa wastong pagtrato at pangangalaga ng hayop sa pamamagitan ng isang special segment sa hulihan ng palabas at pamamatnugutan ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS).

Magsisimula itong mapanood sa Lunes, Sept. 20 sa GMA Telebabad, bago ang 24 Oras.

* * *

Kahit na sa kasagsagan ng kasikatan ng TV drama ng ABS-CBN na Magkaribal, marami nang tinatanggap na alok si Angel Aquino mula sa ibang network para gumawa rin sa kanila ng serye pero hindi nito maiiwan ang ABS-CBN dahil kahit matagal pang matapos ang Magkaribal ay sinabi na sa kanya ng network may susunod na siyang gagawin para sa kanila pagkatapos ng ginagawa niya.

* * *

Klinaro naman ni Kris Aquino na kung mayroon mang gamit na naiwan si James Yap sa kanilang bahay, nakakahon na ang mga ito at maari na nitong kunin anytime na handa na siya.

Kinailangan ni Kris na magsalita tungkol dito dahil napapabalitang kinakailangan pa ng kanyang ‘asawa’ na bumili ng mga bagong gamit dahil naiwan nito sa kanilang bahay ang ilang mahahalagang gamit nito.

ANG BANTATAY

ANGEL AQUINO

CLAUDINE BARRETTO

DES SEVERINO

DON MICHAEL

GELLI

JAMES YAP

KAHIT

KRIS AQUINO

RAYMART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with