Na-realize na hindi dapat pagkatiwalaan, Toni matindi ang galit kay Mariel
MANILA, Philippines - Walang issue kay Toni Gonzaga kahit hindi siya ang original choice na maging ‘Ako’ sa pagbabalik sa ere ni Kokey after ng tatlong taong pamamahinga.
Si Angel Locsin ang unang napili para sa gabi-gabing pagbabalik ng pambansang pinyoko (kaibigan).
Basta masaya si Toni na siya ang final choice.
This time, meron na ring kapatid si Kokey, si Kekay at bukod kay Toni, kasama na rin niya sina Vhong Navarro, Jason Francisco at Melai Cantiveros.
Sa Kokey@Ako gagampanan ni Toni, si Jackie.
Dahil na-abduct ng mga aliens ang mga magulang ni Jackie noong bata pa siya, naging misyon niya na ang paghahanap ng extra-terrestrials upang makita na rin ang mga mahal niya sa buhay.
Si Kokey nama’y nagbabalik sa daigdig para hanapin ang kanyang nawawalang kapatid habang ang karakter ni Vhong ay may importanteng papel na gagampanan para mahanap ang kani-kanilang kapamilya.
Sa ikalawang pagkakataon, si Direk Wenn Deramas ang director nito.
“Nung nangyari ang Kokey@Ako, hindi lang ito basta isang sequel,” paliwanag ni Direk Wenn. “Itong simula ng Kokey@Ako ay halos kasabayan ng present story ng Kokey Season 1, so parang sequel at the same time part 2 na rin. Kumbaga noong bata ang bida nating si Toni ay ang mga panahong naaksidente si Kokey na makarating ng Earth. Ang connection is akala ni Jackie ay si Kokey ang kumuha sa kanyang mga magulang. So nagsimulang magka-away sila pero grabeng friendship ang pupuntahan noon.”
Maging off-cam, kakaiba ang friendship sa pagitan ng cast members. Say ni Toni, happy siya at kakaibang saya ang makatrabaho uli si Vhong.
‘‘Kilala ko na si Vhong. Hindi na namin kailangan mag-adjust, o mailang kasi parang reunion lang naming magkaibigan,’’ sabi ni Toni.
Tensiyonada naman ang tinatawag na Prinsesa ng Masa na si Melai. “Nung unang taping namin, kinabahan talaga ako kasi baka mapagalitan ako ’pag nagkamali ako,” kuwento niya na hanggang ngayon, ang bilis pa ring magsalita at hindi maintindihan.
“Pero deep inside, excited ako kasi hindi basta-basta ang makakasama ko rito. Dahil napapanood ko lang ito minsan sa TV, pero ang mga pamangkin ko, adik sa Kokey.”
Bukod sa Kokey, may sariling show si Melai, ang Wansapanataym.
“Ngayong mga panahong ito, mas maraming ginagawang project si Melai,” pagtatapat ni Jason. “Kaya masaya ako na magkasama kami rito sa Kokey. Halos sa mga eksena na lang sa Kokey kasi kami nagkakatagpo.”
Magsisimula itong mapanood sa Sept. 20, Lunes bago mag-TV Patrol.
Makakabangga ng Kokey@Ako ang kakaibang show ng GMA 7 na Bantatay, isang programa tungkol sa kakaibang bond between a dog and his master.
Si Raymart Santiago naman ang bida sa programa na nagtatrabahong veterinarian.
Kakaiba ito dahil may involved na aso.
Speaking of Toni, malala na pala ang gap nila ng dati niyang kaibigang si Mariel Rodriguez.
Pero ayaw mag-elaborate ni Toni sa away nila ng girlfriend ni Robin Padilla.
Malalim ang issue sa kanila ni Mariel ayon kay Toni, pero nilinaw niyang walang kinalaman dito si Robin, partikular na ang naudlot nilang pelikula ng aktor.
Say niya, “Actually, laking pasasalamat ko nga na dahil sa isang proyektong hindi natuloy, may mga nadiskubre akong mga bagay-bagay na nakapagpa-realize sa akin kung sino ’yung mga totoong tao sa buhay ko at ginamit siguro ni Lord din na way ’yun para ma-realize ko kung sino ang dapat kong pagkatiwalaan. So, ayun na lang siguro, bahala na kayo.”
Nagpakawala rin si Toni ng “Basta tama ’yung sinabi sa akin ni Direk Wenn na mag-ingat ako sa mga taong hindi ko kilala pero siguro sa panahon ngayon, mas mag-ingat ka sa mga taong kilala mo.”
Hmmm. Malala nga. Hindi basta away.
* * *
Nakakatuwa namang marinig at malaman na sa mga kabataan ngayon, dalawa sina Enchong Dee at Erich Gonzales sa hindi aggressive. In fairness to them, sinasabi nila na never pa silang naka-experience ng intimate moments sa tunay na buhay.
Grabe na ngayon ang mga kabataan ha? Mga nag-i-experiment sa pre-marital sex. At least sila, mukhang nag-iisip pa.
Baka nga meant for each other ang dalawa?
Kaya naman siguro pinagpapala sila sa career dahil sa kanilang moral values.
Bida na ang dalawa sa pelikulang I Do, ang latest feel-good romance-drama from Star Cinema.
Enchong never dreamed pala na maging aktor kahit na ang kapatid niyang si AJ Dee ay nakikigulo na noon sa showbiz.
Mas naunang nakilalang swimmer si Enchong at ang dream pala niya ay to be an Olympian. Pero iba ang tawag ng kapalaran sa kanya.
At heto hindi naman pala totoong mayaman sina Enchong. Mismong ang Dee matriarch na si Tess Dee ang nagkuwento: “We were not rich and we couldn’t possibly afford to send our children to those expensive schools. But thanks to sports, they became scholars.”
Yup, buti na lang at magaling siyang swimmer. Nire-present niya noon sa mga swimming competitions ang eskuwelahan ng mayayaman, ang De La Salle University.
Noong 2005, nanalo siya ng silver medal sa Southeast Asian Games na ginanap sa Manila.
Pero hindi siya talaga nakawala sa tawag ng showbiz noong 2006.
Actually, halos pareho sila ng kapalaran ni Erich.
Si Erich naman ay nanalo sa Star Circle Quest.
Sino bang mag-aakalang sisikat siya nang husto? Pero nabigyan siya ng Katorse na pumatok kaya ayan, nagkapangalan si Erich.
Kaya lang, ang daming intriga sa kanya lately. Lumaki na raw ang ulo niya at sobrang demanding na.
Pero dedma ang young actress tungkol sa issue.
In any case, after ng kanilang big screen team-up ni Enchong na Paano Ko Sasabihin, heto na nga ang I Do na sobrang pambagets ang story.
Kasama rin sa movie sina Dennis Padilla, Janus del Prado, and Nash Aguas.
May special participation naman si Pokwang sa pelikulang idinirek ni Veronica Velasco.
- Latest