^

PSN Showbiz

Wala pang isang buwang nagpakasal, sexy star ginawang punching bag

RATED A - Aster Amoyo -

Matagal-tagal na ring walang nababalita sa dating sexy actress na si Camille Roxas hanggang sa ito’y ma-interview ng Showbiz Central na isa itong battered wife sa Singapore.

Ikinasal si Camille last April sa isang mayamang Chinese national sa Singapore. Pero wala pa silang isang buwang nagsasama bilang mag-asawa sa Singapore ay ginagawa na siyang punching bag ng kanyang mister.

Nung unang tatlong beses na sinasaktan siya ay pinatawad niya ang kanyang mister pero sa ika-apat na beses ay hindi na siya nakatiis at nagpa-blotter na siya sa Singapore at humingi siya ng tulong sa kanyang kaibigan, ang dati ring sexy actress na si Via Veloso na siyang tumulong sa kanya na makatakas sa kanyang sadistang asawa.

Kung may magaling na abogado si Camille sa Singapore, tiyak na makakakuha siya ng hustisya laban sa kanyang mister at malamang na magbayad ito ng malaking halaga sa dating sexy star.

* * *

Love is lovelier the second time around sa pagitan nina Edu Manzano at Pinky Webb na muling nagkabalikan matapos ang walong buwang paghihiwalay. May kinalaman sa pulitika ang dahilan ng kanilang paghihiwalay dahil tumakbo noong huling eleksiyon si Edu sa pagka-bise presidente.

Mahigpit ang company rules ng News & Public Affairs ng ABS-CBN.

Samantala, may mga kumakalat na balita na nagpakasal na umano sa Amerika sina Edu at Pinky bagay na pinabulaanan ng panganay ni Edu na si Luis Manzano dahil tiyak umanong malalaman niya. Sakali man daw na ito’y totoo, walang magiging problema sa kanya dahil alam niyang magi­ging masaya ang kanyang ama.

Boto rin si Luis sa kasintahan ng ama. Wala ring magiging sagabal sa muling pagpapakasal ni Edu dahil annulled na ang kanyang kasal sa Diamond Star na si Maricel Soriano.

Sa muling pagbabalik ni Edu sa bakuran ng ­GMA 7­ bilang host, ire-revive rin ang kanyang Not So Late... talk show.

Klinaro rin ni Edu na wala siyang sama ng loob sa Kapamilya Network o kahit kaninuman na may kinalaman sa kanyang huling attempt sa pulitika. Muli man siyang natalo sa kanyang political bid, there were lessons learned, ayon na rin mismo sa kanya.

* * *

Maraming beses nang nasangkot si Marian Rivera sa matitinding intriga na may kinalaman sa kanyang pag-uugali pero naaayos din ito sa tulong na rin ng home network niya.

Pero dapat ma-realize ni Marian na kung anumang tagumpay meron siya sa ngayon ay utang niya sa publiko at sa kanyang mga supporters. Ang kasikatan ay temporary at hindi habang-buhay.

* * *

Dalawang beses na-postpone ang TV commercial shoot ni Dingdong Dantes para sa Asia Yaosho, ang kanyang kauna-unahang endorsement sa Japan. Nagkasakit si Dingdong at pabalik-balik ang kanyang lagnat. Ang buong akala namin ay magaling na ito nang dumalo sa 1st anniversary ng kanyang management company, ang PPL Entertainment na pinamumunuan ng dating SOP executive producer (EP) na si Perry Lansigan. 

Na-rule out na ng mga doktor na ito ay dengue pero kailangan lamang talaga ni Dingdong ng pahinga dahil na rin sa kanyang sunud-sunod na trabaho.

Samantala, bongga ang first year celebration ng PPL Entertainment na ginanap nung nakaraang Biyernes, Sept. 10, sa C3 Events Place sa Greenhills, San Juan na dinaluhan ng mga stars ni Perry tulad nina Dingdong, Gabby Eigenmann, Geoff Eigenmann, Arthur Solinap, Angelika de la Cruz, Carlo Gonzalez, Jolina Magdangal, at Carl Guevarra.

Dumalo rin sa nasabing okasyon ang Regal matriarch na si Mother Lily at anak nitong si Roselle Monteverde-Teo, German Moreno, ang magkasintahang Ogie Alcasid at Regine Velasquez, ang child star na si Mika de la Cruz (younger sister ni Angelika), ang PAMI president na si June Rufino, ang talent manager na si Wyngard Tracy sa kanyang kauna-unahang public appearance matapos siyang sumailalim ng heart surgery, ilang executives ng GMA 7, at iba pa.

vuukle comment

ANGELIKA

ARTHUR SOLINAP

ASIA YAOSHO

CAMILLE

CAMILLE ROXAS

CARL GUEVARRA

CARLO GONZALEZ

EDU

KANYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with