^

PSN Showbiz

Nakitang pumapatak-patak ang dugo niya, Baby James may trauma na sa dugo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Last week ay naging madalas ang pagpapadala ng mensahe ng aking kaibigang Kris Aquino sa Twitter sa Internet, tungkol sa biglaang pagkakasakit ni Baby James ang mga naging tweets ni Kris.

Taas-baba kasi ang lagnat ng aking inaanak kaya naman pati ang inyong lingkod ay nag-alala sa kondisyon ni Baby James. Agad na isinugod ni Kris sa St. Luke’s Global City ang kanyang bunsong anak para ipasuri sa espesyalista at na-confine si Baby James. Nabahala ng husto si Kris dahil minsan nang nagkaroon ng delikadong sakit ang magkapatid na Joshua at Baby James. Laganap din ngayon ang dengue sa iba’t ibang lugar sa bansa kaya nag-alala si Kris.

“Nagkaroon kami ng Dengue Scare, kasi day time mawawala ’yung lagnat tapos sa gabi ay mag-39. Inospital ko siya talaga, nagpa-confine kami for all the blood works, the test and everything,” pahayag ni Kris.

Pagkatapos ng lahat ng isinagawang tests ay nakumpirmang isang uri lamang ng viral infection ang naging sakit ni Baby James at ngayon ay maayos na ulit ang kalagayan nito.

“Okay na, maliksi na at happy na sa buhay niya. Parang walang nangyari kaya lang ay na-trauma dahil noong na-blood-test, nakita niya pumapatak-patak ’yung dugo, sabi niya, ‘blood, I’m dying,’ sabi ko ‘no you’re not dying’ pero okay naman,” kuwento pa ni Krissie.

When Kris and I are not doing shows together, I seldom see Bimby who I truly miss. Naalala ko pa dati na si Baby James ang tagabilang namin, para siyang little Floor Director giving us cue sa studio, ‘5-4-3-2-1 mama, ninong action!’ I really miss Baby James.

* * *

Isa sa mga pinaka-respetadong aktres sa industriya ay si Gina Pareño. Kahanga-hanga ang galing sa pag-arte ng premyadong aktres kaya naman kabi-kabila na rin ang kanyang mga parangal dito sa Pilipinas at maging sa abroad.

Hindi lamang mga Pinoy ang napahanga ni Gina sa kanyang kakaibang talen­to. Ngayon ay hindi lamang pelikula at telebisyon ang pinagkakaabalahan ni Gina dahil pinasok na rin niya ang pag-arte sa entablado, first time niyang gumawa ng stage play. Mapapanood sa Little Theater ng Cultural Center of the Philippines ang American Hwangap.

“Noong una ay umayaw ako, hindi ko na-absorb, my God! Magba-back out yata ako, may nerbiyos ako, ang gagaling nila,” nakangiting pahayag ni Gina.

Ibinahagi rin ng aktres ang fulfillment na kanyang naramdaman sa first experience niyang ito sa stage.

“Nakita ko ’yung mga tao, masarap ang pakiramdam. Makikita mo yung suporta ng mga kasama mo, ang gagaling ng mga kasama ko. Nakakatuwa kasi sulit ’yung pinagpaguran mo, ’yung nerbiyos ko ay napanis na lahat,” dagdag pa ni Gina.

Mayroon din siyang natutunan sa stage acting.

“Ibang sistema po ito ng pag-arte, dito ko nakita ’yung kahalagahan na kapag ikaw ay artista, dapat disciplined,” pagtatapos ng aktres.

Ang American Hwangap ay isang palabas na hindi talaga ako papayag na hindi ko mapanood. Reports from JAMES C. CANTOS

AMERICAN HWANGAP

ANG AMERICAN HWANGAP

BABY

BABY JAMES

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

DENGUE SCARE

FLOOR DIRECTOR

GINA

JAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with