^

PSN Showbiz

Buhay ng GF nagka-letse letse sa BF na aktor

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Jinx na boyfriend ang bansag sa isang aktor dahil katakut-takot na kamalasan ang dumating sa buhay ng kanyang girlfriend mula nang magkaroon sila ng relasyon.

Malaking problema na may kinalaman sa datung ang kinakaharap ngayon ng girlfriend ng aktor.

Maraming tao ang damay kaya imbiyerna sila sa girlfriend ng aktor at sa pamilya nito.

Kawawa ang aktor dahil wala siyang direktang kinalaman sa malaking problema. Nagkataon lang na siya ang kasalukuyang dyowa ng babae.

* * *

May mga naintriga sa Twitter post kahapon ni Bela Padilla na “My world might crumble today...”

Ang alam ko, may meeting kahapon sa mga bossing ng GMA 7 si Claire dela Fuente, ang manager ni Bela dahil pag-uusapan nila ang isyu sa pagitan nina Bela at Marian Rivera.

Ito kaya ang tinutukoy ng Tweet ni Bela?

* * *

Mama Salve, walang kinalaman sa showbiz ang e-mail na natanggap ko mula kay Cristina ng USA pero nagkaroon ako ng interes na i-publish ang kanyang sulat para sa kapakanan ng mga tulad niya na naghahanap ng kasagutan.

In fairness to Cristina, nabasa niya sa PSN ang balita at sa rami ng puwede niya na pagtanungan, ako ang kanyang napili na padalhan ng e-mail. Ang mga sumusunod ang concern ni Cristina:

“Nabasa ko sa PSN ang bagong kautusan tungkol sa mga dayuhang menor de edad na gustong pumunta ng Pilipinas na hindi kasama ang mga magulang.

“Isinasaad sa bagong kautusan na ang mga dayuhan na menor de edad na gustong pumunta ng Pilipinas na hindi kasama ang mga magulang ay magbabayad ng waiver fee na P3,200.

“Ang Bureau of Immigration ang magtatago ng passport, airplane ticket, at mga importanteng dokumento ng mga dayuhan na minor para hindi makaabala sa pagdating sa Pilipinas.

“Na puwedeng mag-apply ng waiver for exclusion sa BI OIC. Under Section 29 of the Immigration Act, foreign children under 15 years of age who are “unaccompanied by, or not coming to” a parent are considered “excludable aliens.” 

Ang tanong ko lang po ay:

1. Ano ang garantiya ng BI na hindi nila maiwawala ang mga mahahalagang dokumento, passport at plane ticket ng mga dayuhang menor de edad?

2. Saan kukunin ang mga dokumento sa oras ng pag-alis o departure ng dayuhang menor de edad. Papaano sila makakapasok sa airport kung hindi nila hawak ang passport at plane ticket? Napakalaking abala rin naman po ito. Ang pumila ka lang sa napakahabang hanay para makapasok sa loob ng airport ay isa nang sakripisyo.

3. Saang BI OIC ka mag-a-apply ng waiver for exclusion kung sa ibang bansa ka nakatira?

4. Section 29 of Immigration Act, ibig bang sabihin ng excludable aliens ay children under 15 years of age ay exempted sa tanong ko sa number 1 & 2?

Miss Lolit, baka po puwede ninyong pakitanong sa writer na si Helen Flores ng PSN na pakitanong kay BI OIC Rolando Ledesma na paki-explain o paki­sagot ang aking mga tanong para pag-uwi ko, next year kasama ang aking apo ay alam ko na ang sagot sa mga tanong ko. Pasensiya na po Miss Lolit sa abala. 

“Gusto ko lang malinawan ang bagong kautusan ni BI OIC Roland Ledesma.

“Araw-araw ko pong binabasa ang Pilipino Star Ngayon sa Internet. Nabasa ko po ang article na ito sa Pilipino Star Ngayon dated Sept. 13, 2010.”

ANG BUREAU OF IMMIGRATION

BELA PADILLA

CRISTINA

HELEN FLORES

IMMIGRATION ACT

MARIAN RIVERA

MISS LOLIT

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with