Starstruck V winners tumulong sa mga estudyante ng Tanay
MANILA, Philippines - Ang mga celebrities na mula sa Starstruck V Ultimate Female Survivor Sarah Lahbati, First Prince Enzo Pineda, at Second Prince Rocco Nacino ay masayang nakibahagi sa outreach program ng financial company na PRU Life UK sa Sampaloc Elementary School ng Tanay, Rizal kamakailan.
Gustung-gusto ng mga Starstruck talents na makatulong sa mga tulad sa PRU Life UK dahil mas nauunawaan nila ang kalagayan ng mga kabataang hindi nila kasing-ginhawa.
Ang PRU Life UK, isang indirect local subsidiary ng British financial giant na Prudential PLC, ay bumalik sa paaralan para magbigay ng 19 desktop computers at mahigit na 1,000 libro na nakolekta dahil sa ginawang book drive ng mismong kumpanya.
Noong Disyembre, naroon na rin sa parehong distrito ang kumpanya para mamahagi ng mga school packs sa mga batang mag-aaral na naapektuhan ng bagyong Ondoy.
Sinamahan ang tatlong GMA Artist Center talents ng presidente at CEO ng PRU Life UK, si Peter Grimes, sa storybook reading session sa Grade 1 at nagkaroon pa ng soccer match ang bossing, kasama ang kanyang mga anak sa mga batang manlalaro ng eskuwelahan.
“Excited ako kasi nakatulong kami sa mga bata, puwede kaming maging role model nila,” sabi ni Rocco.
Ayon naman kay Enzo, “The happiest people in life don’t have necessarily the best of everything; they just make the best of everything that is given to them. Sobrang natutuwa ako, sobrang nata-touch ako sa mga bata.”
Ang mga opisyales naman mula sa paaralan ay pinangunahan ng schools division superintendent na si Dr. Aurea Sto. Domingo at ang district supervisor na si Dr. Julito F. Berdan.
“We’re certainly happy to be back here in Tanay to give these kids more books and additional computers. Doing things like this gives more meaning to what we do as a financial organization. Seeing the smiles on their faces truly warms the heart and we hope that these will help them get back on track to a quality education,” sabi ni Mr. Grimes.
Bukod sa Tanay, hangarin din ng PRU Life UK na tugunan ang pangangailangan ng ibang lugar.
- Latest