Lalayasan na ang Kapuso Jennylyn lilipat na sa TV5
MANILA, Philippines - May madadagdag na female host sa Eat…Bulaga sa October. Sarado na raw ang usapan between Tape, Inc., producer ng show at manager ng female star at hihintayin na lang ang right date sa October para siya’y i-welcome.
Madalas mag-guest sa EB ang female star at friends niya ang hosts ng show, kaya hindi siya dadaan sa adjustment period. Nagho-host na rin ito sa iba’t ibang shows pati beauty pageant, kaya kering-keri niyang mapasali sa dabarkads ng EB.
Para sa ibang clues, basta maganda at magaling siyang artista at well-loved sa industry. Matutuwa ang kanyang fans to see her in a daily show. ‘Yan muna para hindi ma-preempt ang pagpasok ng female star na ito sa EB.
* * *
Pagkatapos ng kantaserye na Diva, dance serye naman ang gagawin ng GMA 7 na may tentative title na Dance With Me, pero wala pang sinabi kung sino ang director at bubuo ng cast at kung kailan ito gagawin.
Dapat ay kasama sa Dance With Me si Mark Herras dahil magaling siyang magsayaw at parang kulang kundi siya kasama. Kaya lang, nag-decide itong magpahinga for two months after Langit Sa Piling Mo na magtatapos na this week. Hintayin kaya siyang makapagbakasyon muna o ihahabol na lang siya?
Biniro namin si Mark na paano niya matutupad ang dream mansion after three years kung two months siyang bakante sa trabaho? Sabagay, mas importante ang health, kaya sige, magbakasyon ka muna Mark at iurong mo na lang ang target date ng pinapangarap mong mansion na para sa pamilya mo.
* * *
May tsikang magsasanib-puwersa na ang TV5 at Viva Entertainment para tuluyan nang maagaw ng TV5 sa ABS-CBN at GMA Network ang pagiging number one. Ang tsika pa nga, ang Viva Entertainment ang producer ng Willing-Willie show ni Willie Revillame na sabi’y magpi-premiere sa October 10, kasabay ng Star Power ni Sharon Cuneta, pero magkaiba ng oras.
Maraming naka-line-up na shows na raw na iko-co-produce o solong ipo-produce ng Viva sa TV5 at hintayin na lang natin sa mga darating na panahon.
Heto pa, malaki raw ang posibilidad na ilipat ng Viva sa TV5 ang iba nilang contract stars after their contracts expire sa dalawang higanteng network.
Kaya siguro natsismis na lilipat sa TV5 si Sarah Geronimo na kaka-renew lang ng kontrata sa Dos at pati si Jennylyn Mercado na under Viva Entertainment na rin ay natsitsmis na magiging Kapatid na rin lalo’t wala itong regular show ngayon sa Channel 7.
- Latest