^

PSN Showbiz

Coco mas tinitilian ng fans kesa kay Sam

- Veronica R. Samio -

Sina Billy/Jean, Vince, at Lando ay tat­long major characters sa bagong serye ng ABS-CBN na nagtatampok kina Sarah Geronimo, Sam Milby, at Coco Martin.

Masasabing humahatak na ng mara­ming ma­nonood ang Idol dahil sa mall tour ni Sarah na gina­gawa niya para sa pro­mosyon ng Superstar, ang kauna-una­hang online videoke nang nangu­nguna ring online gaming company, ang X-Play Online Games, Inc., umaagaw ng aten­siyon ang malakas na pag­sigaw ng mga ma­nonood ng pangalan ng mga charac­ters nina Sarah (Billy/Jean) at Coco (Lan­do) sa Idol at labis ang katuwaan ni Sarah bagaman at palagi niyang hinihiling na big­yan din ng pagkakataon si Vince (Sam) dahil maganda rin ang role na gina­gam­panan nito sa serye. May kilig lamang ang mga eksena ngayon nina Sarah at Coco dahil bago silang magkakilala at na­wala muna sa eksena ang character ni Sam dahil sa pagbabago ng identity ni Sarah from Billy to Jean.

Medyo nagkakaroon ng confusion sa promosyon ng Superstar dahil associated ang pangalan kay Nora Aunor pero ang nagpo-promote ay ang Pop Princess na si Sarah nga.

Ang Superstar ay isang bagong online videoke game na ginawa para sa lahat ng mahilig kumanta ng may minus one at bibigyan ang pagkanta nila ng grade o rating ng computer. Walang kinakailangan ang isang gustong kumanta kundi isang mikropono na ikokonek sa computer. Ang kanta ay mapipili niya sa isang listahan na ginawa ng Superstar at maging ang mga lyrics nito.

Bahagi ng promosyon ng Superstar ang pag­daraos ng isang Superstar Online Star Search. Labinlimang finalists ang hahanapin para maka­samang mag-perform ni Sarah ng live at makasama rin niyang mag-record ng isang album. May ginawa ng theme si Sarah para sa Superstar na pinama­gatang This is My Dream. Lahat ng gustong sumali ay kinakailangang maglaro ng Superstar at gumawa ng score ng 20,000 mula sa isang kanta sa listahan. Kailangan din niyang pumasa sa mga auditions na gagawin sa mga malls at barangay.

May itinakdang apat na mall auditions sa mga Superstar kiosks sa buwang ito. Pumunta lamang ang mga interesado sa mga booth at kumanta. Tapos na ang ilang auditions sa mga SM malls na personal na dinaluhan ni Sarah at ng ilang miyembro ng entertainment media, tulad sa SM Dasma kahapon (Sept. 12), meron pa sa SM Sta. Mesa (Sept. 18), at SM Iloilo (Sept. 19). Pinagtatakhan ko lang kung bakit lahat ay pinakakanta ng acapella kesa gumamit ng minus ones at lyrics ng Superstar para makita na rin kung gaano ito kaepektibo at kadaling gamitin.

Ang major sponsor ng online star search, ang Coca-Cola, ang magpapatakbo ng pakontes sa mga barangay at mamamahagi ng mga Superstar game installers at ingame star cash ng libre para magabayan ang mga sasali.

Lahat ng mga impormasyon tungkol dito, check the website www.superstar.ph para sa lahat ng detalye.

*    *    *

Talagang mag-aaktibo na si Christian Bautista bilang paghahanda sa gaga­win niyang pelikula sa Indonesia. Tampok siya sa isang nakaka-antig na kuwento ng Your Song Presents Beautiful Girl na makakapareha niya si Carmen Soo. Nagsimula na ito kahapon, Sept. 12, sa ABS-CBN, pagkatapos ng ASAP XV.

Ibang level na ang nararating ng Asian Pop Idol kasama ang Malaysian Sweet­heart sa kanilang bagong proyekto sa ABS-CBN matapos sundan ang kanilang pagsasama sa music video ni Christian na Afraid For Love to Fade.

“I think the first thing that struck me about Christian, is that he’s such a gentleman and he’s a very nice guy. We share something in common and it’s fun working with him,” kuwento ng Malaysian actress tungkol sa kanyang leading man.

*    *    *

Wala namang pretension o pagkukunwari si Erich Gonzales sa pagsasabing pinakamalapit niyang kaibigang lalaki si Enchong Dee, na wala silang romansa, isang napakatapang na revelation sa panahong may ginawa silang movie na nakatakdang maipalabas, ang I Do.

Napakaganda ng chemistry ng dalawa sa boobtube kaya kahit hindi sila, aprub pa rin ang tao sa kanilang tambalan although lahat sila ay umaasam na someday soon ay maging totohanan ang relasyon nilang dalawa.

Hindi naman nagpabaya ang Star Cinema sa unang movie team-up nina Erich at Enchong. Bukod sa may magandang istoryang nakapaloob sa I Do, malakas din ang support cast nila sa movie – Pok­wang, Dennis Padilla, Melai Cantiveros, Ricardo Ce­peda, Isay Alvarez, Janus del Prado, atbp. Proper timing din ang showing ng pelikula, ipa­lalabas ito at a time na nag-i-enjoy ang lahat sa napakagan­dang role na ginagampanan ng dalawa sa Mag­ka­ribal. Kahit pinaka-bagets sila sa cast at maituturing na pinakabago, hindi sila napag-iwanan ng kanilang mga co-stars sa pag-arte. Also, ang kumanta ng theme song ay sina Yeng Constantino at Sam Milby. Wala na silang mahihiling pa, lahat ng tulong ay ipi­nag­kaloob na sa kanila. Nasa kanila na kung susu­portahan sila o hindi ng mga manonood.

*    *    *

Mukhang hindi na limitado kina Marian Rivera at Bela Padilla ang selosang nauwi sa awayan na nag­simula sa Endless Love. Mukhang aabot na rin ito sa korte dahil sasampahan na raw ng kaso ng mga magulang ng baguhang artista ang pambatong artista ng Kapuso Network dahil sa diumano’y ginawa nitong pangha-harass sa baguhan.

Si Claire dela Fuente, manager ni Bela, ang unang nagsalita para sa alaga na sinundan din ng pag­ko-kondena kay Marian ng ina ni Robin Padilla na sinasabing lola rin ng baguhang artista. Samantala, wala ni isa mang salita na nagbubuhay sa kampo ni Marian, mula sa kanyang boyfriend na si Dingdong Dan­tes o maski na sa kanyang manager. Tila nag­hihintay sila ng tamang panahon para sagutin at bigyang linaw ang lahat ng kaguluhan.

Aabangan na lamang natin kung sino ang magso-sorry sa dalawa. Dapat kasi ay mayroon para maayos ang gulo. At sino man siya, siya ang may kasalanan dahil kung hindi bakit siya magso-sorry?

vuukle comment

DAHIL

I DO

ISANG

LAHAT

PARA

SARAH

SHY

SUPERSTAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with