Sharon parang type tunggain ang sebo at butter
Aalis sa September 15 si Sharon Cuneta for her shows sa Europe, pero bago umalis, ni-launch muna ang three shows with Sharon @ Home na unang magpa-pilot sa September 18, 6:30 p.m., sa Lifestyle Network.
Susunod ang Star Power sa October 10 at ang The Biggest Loser na naka-schedule next year ang airing.
Bago umalis, nagbigay muna ng baby shower si Sharon kay Judy Ann Santos last Saturday sa Discovery Suites. Parang magkapatid ang relasyon ng dalawa at hindi papayag si Mega na wala siyang baby shower kay Judy Ann na manganganak sometime in October.
Samantala, may pinakawalang intriguing statements si Sharon sa kanyang Mega presscon at isa rito’y ang patungkol kay Nora Aunor. Sabi nito : “Si ate Guy parang ayaw akong maging friend. Lahat ng effort ginawa ko, ni-reject niya ako, basta ako gusto ko siyang i-friend.”
May one-liner din itong “sana enemy ko ang food” at sinundan nang “downfall ko ang food. Ang sarap kumain ng tinapay, cake, polvoron at kulang na lang inumin ko ang sebo at butter.”
Laugh nang laugh ang press sa sinabi niyang ito na tungkol sa kanyang pagtaba.
* * *
Si Ricky Davao ang second unit director ng Grazilda at makakatulong ni direk Dominic Zapata sa pagdidirek ng fantasy-drama series ng GMA 7 na magpa-pilot bukas after Survivor Philippines : Celebrity Showdown.
Pati si Ricky overwhelmed sa laki ng production ng Grazilda mula sa location na sa Acuzar, sa Bagac, Bataan palang, P150,000 na ang rent per day. Very expensive at madugo raw ang project na pinagbibidahan ni Glaiza de Castro.
May nararamdaman pa ring pain si Ricky sa pagkamatay ng amang si Charlie Davao dahil friends sila ng ama at marami itong itinuro sa kanya bilang artista. Sa pagkawala ng ama, nabuksan ang isip ni Ricky na kailangan ng bawat tao na alagaan ang kalusugan para hindi magkasakit at naniniwalang “Health is wealth.”
* * *
Nasa Party Pilipinas this Sunday ang Kapuso Tween Stars na binubuo ng limang pareha at kinabibilangan nina Barbie Forteza at Joshua Dionisio, Jake Vargas at Bea Binene, Krystal Reyes at Kierulf Raboy, Derrick Monasterio at Louise delos Reyes at Kristoffer Martin at Lexi Fernandez. Magpapakita ng husay sa pagsayaw at pagkanta ang mga bagets.
Nagbabalik si Krystal sa Bantatay bilang isa sa mga anak ni Raymart Santiago at ka-loveteam ni Elmo Magalona. Alam nitong si Julie Ann San Jose ang ipinapareha kay Elmo sa Party Pilipinas at sana raw, hindi magalit sa kanya ang fans ng dalawa.
Guwapo, matangkad at telegenic si Kristoffer na gumanap na young Dingdong Dantes sa Endless Love. Okey sa kanyang ka-love team si Lexi na masarap daw kausap at masayahin. Sabi ng bagets, hindi siya namimili ng role, basta ‘wag lang sexy role dahil at 15 years old, hindi pa niya kayang magpa-sexy. Crush nito si Rhian Ramos na crush din ng maraming Kapuso young actors.
- Latest