West End star may solo concert
MANILA, Philippines - Ang AmbientMedia, Global Resource Creative Exchange, Inc., Sony Music, at Net25 ay nagtulung-tulong upang maitanghal ang solo concert ng Pinay West End star na si Joanna Ampil.
Pinamagatang Joanna Ampil: West End Girl, mapapakinggan ang orchestra ng FILharmoniKA ni Gerald Salonga at ang musika ni Ariel Rivera sa natatanging solo concert nang naging pangunahing bidang si Joanna sa ilang musical sa London’s West End na umabot sa 17 years. Gaganapin ito sa Sept. 18, 8 p.m., sa Onstage Greenbelt.
Bukod sa mga stage plays, nakapaglabas na rin ng pop album si Joanna, ang Try Love, sa ilalim ng Sony Music at kabilang dito ang ilang timeless hits na I’m Caught Between Goodbye and I Love You ng The Carpenters at I Don’t Have the Heart ni James Ingram, at kasama ang pinakabagong single na ka-duet si Ariel, ang The Last Time I Felt Like This.
Maaaring tumawag sa TicketWorld outlets sa 891-9999 para sa tiket.
- Latest