Young actress palihim na nanunulot ng trabaho
Magtagumpay kaya ang young actress na ito na i-lobby sa management ng network kung saan siya nakakontrata na sa kanya na ibigay ang isang big project na nakalaan para sa mas bigger star kesa young actress na tinutukoy namin?
Hindi namin alam kung paano nalaman ng young actress ang nasabing project, hindi naman siya part ng creative group ng network na nag-uusap-usap sa mga projects na gagawin ng istasyon. Pero mula nang malaman ang big project, kumikilos na ang young actress, naglalakad na sa kanya ibigay ang project.
Hindi pa alam ng bigger star na palihim na sinusulot sa kanya ng young actress ang big project na para sa kanya. Knowing the bigger star, hindi ito magre-react at hahayaang ang network ang mag-decide.
* * *
Ngayong Sabado ang first day shooting ni Marian Rivera ng Super Inday and the Magic Bibe, isa sa mga entries ng Regal Films sa 2010 Metro Manila Film Festival. Ipinakita ng aktres sa amin ang design ng costume sa kanyang celfone na kulay purple at sabi, ire-request niya na ibahin ng konti ang design dahil parang pareho sa costume niya sa Darna.
Dahil hindi pumuwede si Iza Calzado as Marian’s main villainess, si Mylene Dizon ang ipinalit at hindi rin nag-swak ang schedule ni Vice Ganda sa taping schedule, kaya pinalitan siya ni John Lapus.
Excited na si Marian na gawin ang pelikulang isa sa mga hit movies ni Maricel Soriano at kanyang pinanood dati pa.
Samantala, maganda ang ginagawa ni Marian at ng kampo nito na manahimik at ’wag sagutin ang kampo ni Bela Padilla. Mabuti na lang at malapit nang matapos ang taping ng Endless Love, up to Oct. 12 na lang yata ang taping, matatapos na rin ang isyu.
* * *
Na-interview namin si Rita Avila, nanay-nanayan ni Marian sa showbiz at taga-pangtanggol ng aktres. Nagkausap na sila ng aktres tungkol sa isyu nito kay Bela at naintindihan niya ang sitwasyon nito.
Para kay Rita, totoong tao si Marian at walang takot kung tama ang ipinaglalaban at loyal na kaibigan. Naalaala ni Rita na si Marian ang na-bad press nang ipaglaban si Roxanne Barcelo na nabastos sa taping ng Darna noon.
Gustong marinig ni Rita ang sasabihin ni Dingdong Dantes sa isyu. Pinayuhan din niya si Marian to have people around her na magpo-protekta sa aktres at magiging shock absorber nito at haharap sa mga gustong umaway.
Samantala, showing na sa Sept. 15 ang Magdamag (The Tryst), ang pelikulang ginawa ni Rita kapareha ang young actor na si Edgar Allan Guzman. May three love scenes ang dalawa sa R-13 movie sa direction ni Joven Tan.
* * *
Isa na namang nakatatawang episode ang mapapanood sa Kaya ng Powers ng GMA 7 mamaya. Guests sina Katrina Halili bilang si Carlota at Tomas Gonzales bilang si Lady Beauty.
- Latest