GMA Pinoy TV at GMA Life TV lumobo ang subscribers
MANILA, Philippines - Bago man ang GMA Pinoy TV at GMA Life TV — na nagsimula noong 2005 at 2008 — hindi naman pala ito nagpapahuli sa pagpapalabas ng mga de-kalibreng news at entertainment programs na hatid ng mother network – GMA Netwok. Dahil dito, patuloy ang pagdami ng subscribers ng parehong channel. Kalagitnaan palang ng taon ay umabot na sa 256,000 ang bilang ng GMA Pinoy TV subscribers, samantalang hindi naman bababa sa 122,000 ang GMA Life TV.
“Our programs on GMA Pinoy TV and GMA Life TV are fruits of the labor of the best minds in the industry — from news and public affairs to entertainment. More than the impeccable production value of these certified top-rating shows, they carry the trademark Kapuso signature principle of ‘touching hearts and enriching lives,” ayon kay Joseph T. Francia, Vice President for International Operations ng GMA Network.
Touching hearts and enriching lives - ito ang pangarap ng GMA Network na ngayon ay 60 taon na sa larangan ng telebisyon.
Kasama na rito ang pagsubaybay sa ilang sa sports achievements ng bansa ngayong taon — ang laban ng female champ na si Ana “The Hurricane” Julaton at ang national basketball team na RP Gilas.
Pinatunayan ng RP Gilas team ang tikas ng mga Pinoy pagdating sa basketball nang mag-kampeon ito sa Manila Invitational Basketball Tournament noong June at tanghaling fourth place naman sa 32nd William Jones Cup sa Taiwan noong July. June din nang patumbahin ni Julaton ang Mexicanang si Maria Elena Villalobos.
Hindi rin nagpahuli ang GMA Pinoy TV at GMA Life TV sa pagbibigay-aliw sa mga Pinoy sa US at Canada sa pamamagitan ng isang concert series — ang Heart 2 Heart na pinangunahan nina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Pinakilig naman nina Marian Rivera at Dingdong Dantes noong June ang kanilang mga Pinoy fans sa iba’t ibang bansa sa international screenings ng blockbuster movie na You To Me Are Everything.
June din noong lumipad ang Eat Bulaga sa Sin City para magbigay ng isang libo’t isang tuwa sa mga Pinoy sa US.
Pinasaya naman nina Rhian Ramos, Mark Herras, at Kris Bernal ang GMA Pinoy TV subscribers sa kanilang performances sa 20th Grand Parade and Festival sa New Jersey.
Additional star power naman ang hatid nina Kapuso primetime star Rhian Ramos, StarStruck V Ultimate Male Survivor Steven Silva at RnB Prince Jay-R sa Kababayan Fest sa San Francisco noong July. Sinundan ito ng kababayan Fest party sa Knott’s Berry Farm, Los Angeles na sinamahan naman nina Geoff Eigenmann at Carla Abellana, at StarStruck ulimate survivors na sina Kris Bernal, Jackie Rice, at Steven Silva.
Nakisaya rin sa parehong events si The Hurricane.
- Latest