Manager ni Bela sumugod na sa GMA 7
Aliw basahin ang tweets ni Annabelle Rama at katuwa rin ang panunupalpal niya kay Ruffa Gutierrez. Natawa kami sa sagot nito sa request ni Ruffa na siya (Annabelle) ang mag-pay ng food sa birthday ng anak na si Venice. Siya rin daw ang nag-pay sa food ng birthday party ni Lorin.
Ang latest tweet ni Annabelle na nabasa namin ay ang pakikipag-meeting niya sa GMA Network last Wednesday para sa gagawing Captain Barbell ni Richard Gutierrez at ang Valentine movie nila ni Anne Curtis na co-produce ng GMA Films at Viva Films na may tentative title na Maybe This Time.
* * *
Nakita namin si Claire dela Fuente, co-manager ni Bela Padilla sa GMA Network the other day. May kausap sa phone ang singer at hindi siya natanong kung anong sadya niya sa network.
Ang feeling ng press, may kinalaman ang pagbisita ni Ms. Claire sa isyu kina Bela at Marian Rivera. Sabi, nag-react ito sa interview ni Pia Guanio kay Marian sa Showbiz Central dahil kahit walang binanggit na pangalan, parang si Bela raw ang pinatungkulan ni Marian.
Samantala, may open letter ang DongYan fans nina Marian at Dingdong Dantes kay Bela, mahaba, hindi namin ma-print. May payo sila kay Bela to work hard at ‘wang manggamit ng ibang artista at ‘wag galitin ang fans. Mabigat ang message nila kay Bela na gumaganap na Yumi sa Endless Love : “You mess up with Marian, you mess up with us.”
Ang taray!
* * *
First time makakapareha ni Geoff Eigenmann si Glaiza de Castro sa Grazilda at may konting adjustment daw sa kanilang dalawa, pero tiniyak na magiging maganda ang trabaho nila.
Alam ni Geoff na magaling na aktres ang kapareha at may matututunan siya rito.
Gusto ni Geoff ang role niyang volunteer fire fighter na matagal na niyang gustong gawin at sa Grazilda raw natupad. Isa pa sa ikinatutuwa nito sa bagong soap ay kasama niya ang tita niyang si Cherie Gil at wish nitong magkaroon sila ng eksenang magkasama at tiyak daw na ibang experience ‘yun dahil magaling na aktres ang tiyahin.
Sabi ni Geoff, kahit hindi sila ang magka-partner ni Carla Abellana ngayon, tuloy pa rin ang panliligaw niya rito. Hindi rin siya nagpaalam na may bagong leading lady dahil alam na nito.
* * *
Nakatikim nang payo with matching subtle na taray ang magka-loveteam na Barbie Forteza at Joshua Dionisio kina Jun Lalin, Dindo Balares, at Isah Red. Sinabi ni Jun ang disappointment niya sa mga bagets na hindi nambabati kahit paulit-ulit siyang ipinapakilala sa dalawa.
Hindi raw kailangang alamin nina Barbie at Joshua ang name niya, mambati man lang. At binanggit ni Jun ang lugar kung saan hindi siya binati ng dalawa. May ganung experience rin pala si Dindo, kaya next time siguro, sisipagin nang mambati ang dalawa.
Iba naman ang isyu ni Isah, sinabihan niya si Barbie na ‘wag magko-contact lens kundi kailangan at ‘wag magmadaling magdalaga at kumilos sa edad niyang 13 years old. Sumang-ayon ang press sa payo ni Isah kay Barbie na nagulat sa harap-harapang sermon sa kanila.
- Latest