^

PSN Showbiz

Naka-discount ng malaki, Dr. Belo $8,000 lang ang binayaran kay Monique Lhuillier

- TALONG ANONYMOUS -

TRUE : Nilinaw ni Dra. Vicki Belo na hindi 30 thousand US dollars ang ibinayad niya sa wedding gown ni Regine Velasquez na ipinagawa nila kay Monique Lhuillier.

“I finally got the bill the other day, and it’s 8 thousand. So, it’s very far from the 30 thousand what people are saying. I think it’s the most beautiful gown,” pahayag ni Dra. Belo nang nakausap namin ito sa inauguration ng treatment room sa Children’s Cancer Ward ng Philippine Children’s Medical Center sa Quezon City.

Dumalo rin sa naturang pasinaya si Regine at hindi nito sinagot ang tanong namin kung totoong pula nga ba ang kulay ng wedding gown nito.

Puring-puri lang nila ni Dra. Belo si Monique dahil napakabait daw sa kanila at talagang binigyan daw sila ng special treatment lalo na’t kababayan nila ito.

Binigyan din daw sila ng special discount sa wedding gown kaya pati si Dra. Belo ay nagpagawa na rin ng gown doon na isusuot sa kasal nina Ogie (Alcasid) at Regine.

TANONG : Totoo kayang isasapelikula ang malagim na hostage-taking drama sa Quirino Grandstand nung nakaraang August 23?

Wala pang linaw kung sino ang magpu-produce nito at kung paano nila gawin ang naturang pelikula dahil iniimbestigahan pa rin ang mga tunay na pangyayari hanggang ngayon.

Sa tingin namin, walang ibang puwedeng makagawa ng pelikula ng madugong hostage taking sa bansa kundi ang Golden Lion Films ng mag-asawang Carlo at Donna Caparas.

TOTOO KAYANG wala pa itong Grazilda ay meron ng mga wicked stepsisters sa isang seryeng pinagbibidahan nitong kilalang aktres?

Ang kuwentong nakarating sa amin, hindi itong si bidang aktres ang pinagmamalupitan nitong mga wicked stepsisters kundi ang isang baguhang aktres na gusto lang namang makilala bilang magaling na aktres.

Isa raw sa mga wicked stepsisters ay itong bida sa seryeng ito kasama ang dalawa pa niyang kaibigang aktres na bahagi rin ng seryeng ito.

Kung anu-anong pambu-bully daw ang ginagawa nila sa baguhang aktres na umabot na sa boyfriend nitong baguhang aktres na hindi naman kasali sa seryeng ito.

Hindi pa raw sila naging masaya sa pambu-bully sa baguhang aktres kaya tini-text pa raw ng mga wicked sisters nitong bidang aktres ang boyfriend ng kaaway nilang baguhang aktres na kesyo naglalandi raw doon sa set at kung anu-anong pambibintang ang isinusumbong nila sa boyfriend.

Ito ang madalas na pinag-awayan ng baguhang aktres at ng boyfriend niya kaya ang ending ng kuwento, nakipag-break na lang si boyfriend sa baguhang aktres.

TSIKA LANG : Isa sa ikinatutuwang pinagkakaabalahan ngayon ni dating Manila Mayor Lito Atienza ay ang pag-apir bilang aktor sa matagal na niyang programa sa GMA 7 na Maynila.

Bukod sa paghu-host niya ng Maynila, lumalabas na rin siya sa ilang cameo role at natutuwa ang dating Mayor dahil madalas daw ay take one lang siya.

AKTRES

BAGUHANG

BELO

CANCER WARD

DONNA CAPARAS

DRA

GOLDEN LION FILMS

ISA

LITO ATIENZA

MANILA MAYOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with