^

PSN Showbiz

Wedding gown ni Regine mapuputikan lang sa kasal nila ni Ogie

- Veronica R. Samio -

Kampante na siguro si Tirso Cruz III na paba­ya­an sa kanilang hilig ang mga anak niya. Pumal­pak man sila, meron silang mga college diploma na ma­sasandalan. Lalo na ang dalawa sa kanila na ninais sundan ang kanyang yapak at pinasok na rin ang pag-aartista.

Una ang 25 taong gulang na si Bodie Cruz na unang nakita nang sumali sa napakasikat na reality show na Pinoy Big Brother ng ABS-CBN na kung saan ay nakaranas din ito ng kanyang first showbiz romance.

Bodie has gone on to pursue his acting pero hindi na sa ABS-CBN kundi sa GMA7 na. Kasama siya sa napakalaking cast ng tinatayang isa sa pinaka-ma­la­ki at pinakamagastos na serye ng GMA 7, ang Gra­zilda, na magsisimula nang ma­pa­panood sa darating na Lunes, September 13.

Hindi man bida, masaya na rin si Bodie dahil ap­proved ang mga magulang sa pag-aartista niya. Nakatapos na nga naman siya ng kanyang In­ter­national Studies sa La Salle na siyang una nilang requirement sa kanilang magkakapatid at isang taon na pinraktis ang kanyang pinag-aralan bago siya nag-artista. Nung una, ita-try lang sana niya pero he got to enjoy his work, kahit napupuyat siya sa taping. Kaya nagpasya siyang mag-artista na.

Aware silang magkakapatid sa klase ng trabaho ng kanilang ama at kung gaano ito kahusay. Pina­nood nilang magkakapatid ang mga pelikula nito, ka­sama ang kanilang inang si Lyn, pero si Pip, hindi nanood, nasa labas lang ng bahay. Pinaka-pa­borito nilang magkakapatid ang Bilangin ang Bituin sa Langit na kapareha ni Pip si Nora Aunor.

Pangalawang anak si Bodie, nasa pagitan siya ng kanyang kuya TJ na ayaw mag-artista at kuntento na sa kanyang trabaho sa isang ospital at ni Djanin na kapareho niya ay nag-aartista na rin.

Ginagampanan niya sa Grazilda ang role ni Ben, ang nakatatandang kapatid ni Eric (Geoff Eigennman) na counterpart ni Prince Charming sa mundo ng Fantasia pero nasa mundo naman ng mga tao. 

* * *

Ikalawang anak ni TCIII na nag-aartista ay ang bunsong si Djanin. Kasama rin ito sa Grazilda at ginagampanan ang role ng isa sa wicked step­sis­ters, si Ana­talia, mas matanda kay Grazilda pero kasing scheming, spoiled at demanding nito.

First big role niya ito pero first acting experience niya sa The Last Prince na kung saan ay gumanap siyang kaibigan ni Carla Abellana.

Nag-audition siya para sa Grazilda at kahit kontrabida ang role, gusto na niya dahil ngayong nagbida na si Glaiza de Castro ay nabawasan na ng kon­­tra­bida sa Kapuso Network at palagay niya, mapupunan niya ang kaku­langan na ito. Bilang paghahanda ay nag-undergo siya ng workshop kina Nanding Josef at Vangie Labalan.

Katulad ng kanyang dalawang kuya, tapos din ng kolehiyo si Djanin, nakatapos siya ng business management sa La Salle at isang taon munang nag­pahinga bago siya sumabak sa pag-aartista. Balak sana niyang sa pagkanta mag-concentrate dahil magaling siyang kumanta pero na-sidetrack siya ng mas maraming offers na umarte.

Bilang kontrabida, gusto niyang sundan ang yapak ng ninang niya na si Cherie Gil, na kasama rin sa Grazilda at gumaganap ng stepmother sa real world samantalang nasa world of fantasy naman siya at gumaganap na stepmother niya si Rio Locsin.

Gusto niyang sundan ang longevity ni Lorna Tolentino bilang artista. Sobra siyang nagagalingan kay Dennis Trillo. Twenty two years old na si Djanin.

* * *

Beach wedding pala ang magiging kasal nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Si Ogie ang aligaga sa pag-aasikaso at paghahanda at ito ay ginagawa niya para sa kanyang magiging bride. Gusto niyang mabigyan ito ng isang natatanging kasal na minsan lang nitong mararanasan.

Hindi naman ganun kamahal ang wedding gown na regalo kay Regine ni Dr. Vicki Belo at isa sa mga tatayong ninang sa kasal. Nagkakahalaga lamang daw ito ng $8,000 at kung susumahin sa peso, mahigit lang itong P360,000 at mababasa lamang sa kasal at siguradong mapuputikan kundi man mapuno ng buhangin pero, okay lang siguro sa magiging bride. After all, she wants an unforgettable wedding at ang halaga ng wedding gown niya at ang ma­giging kapalaran nito sa beach na paggaganapan ng wedding is the least of her worries.

* * *

Hanggang kailan ka puwedeng maging bata? Paano kung dahil sa naging buhay ng mga mahal mo, mapilitan ang isang bata na magmadaling tu­manda.

Ito ang papel na gagampanan ni Ella Cruz bukas ng gabi sa Maalaala Mo Kaya, ang nangungunang drama anthology ng bansa na 18 taon nang na­mamayani sa telebisyon.

Mula sa direksiyon ni Jeffrey Jetturian, kasama pa rin ang mga artistang sina Baste Alcanses, Emilio Garcia, Lotlot de Leon, Mahlou Crisologo, Mikylla Ramirez, Amy Nobleza, Izzy Canillo, at Amante Pullido.

BODIE

DJANIN

GRAZILDA

KANYANG

LA SALLE

NIYA

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with