Mwa-hugs sa Jejemom!
MANILA, Philippines - Magsisimula ang episode na nagtatalakan sina Gigi (Eugene Domingo) at si Bunny (Gelli de Belen). Ano kaya ang nangyari at bakit sila humantong rito?
Inimbitahan ni Bunny at Winston (Ricky Davao) ang pamilya ni Gigi sa kanilang bahay. Magtatakang magugulat sina Gigi nang makita ang mga pagkaing hinanda - puro cocktail foods. Magpaparinigan sina Gigi at Bunny. Ito ang simula nang sunud-sunod na pagtatarayan nila.
Darating si hepe (Bayani Agbayani) sa kanilang bahay. Iuutos kina Gigi at Dindo na itodo ang kanilang cover-up. Simula ngayon, matutulog na sa iisang kuwarto ang dalawa. Parati na kasi silang nag-aaway at baka mabuko ang kanilang cover up. Walang magawa ang dalawa.
Makikilala naman ni Lovely (Jennica Garcia) si Matthew (Mart Escudero), ang mayamang kapitbahay nila. Dahil kay Matthew, magseselos si Jhong (Carl Guevarra) kay Lovely. Habang sila’y nagkakatampuhan, nakikisawsaw si Yasmin (Chariz Solomon). Unti-unting inaakit ni Yasmin si Jhong pero masyadong magulo ang isip ni Jhong.
Maiisipan ni Gigi na kaya palagi siyang mainitin dahil hindi siya nagiging productive di tulad nung barangay secretary siya. Kaya naisipan niyang tumakbo bilang president ng homeowners’ at kalabanin si Bunny.
Pupuntahan ni Gigi si Jhong sa kanilang dating tinitirahan. Sa kanilang paghahanap, magkikita muli sila ni Lando (Jeffrey Santos).
Mas nagiging exciting ang mga eksena sa Jejemom na napapanood tuwing Sabado 7 sa GMA 7.
- Latest