Gerald nilayasan si Kim sa Star Ball, si Bea ang sinamahan
Marami ang nabitin sa pagsisimula ng seryeng Idol dahil feeling nila, napakaikli ng oras nito. Kapag nagtagal ito at nadagdagan pa ng komersiyal baka, wala nang mapanood dito. Gaya nang nangyayari sa ibang serye ng ABS-CBN tulad ng Magkaribal, na every other short scene, pumapasok ang mga komersiyal.
Sa unang episode, nakita kung paano mawawala si Billie (Sarah Geronimo) nang masunog ang sinasakyan nila at siyempre kasama ang mga sakay nito, meaning Billie and her parents (Agot Isidro at Neal Ryan Sese) para makaiwas sa pagbabayad ng napakalaking utang nila.
Cute ang role nina Sarah at Sam Milby na bestfriends sa series, kaya lang medyo nakikita ‘yung pagkailang nila sa isa’t isa, hindi lang sa panig ni Sarah kundi maging kay Sam. Hindi naman sila bagong friends sa series kundi long time friends na, eh dapat wala na yung ilang factor, calling the attention of direk Ruel Bayani.
Samantala, balitang umabot sa 30% ang rating nang pagsisimula ng Idol noong Lunes.
* * *
Baka mas makilala pa nang husto at mas sumikat pa si Ciara Sotto sa pagsasayaw niya ng pole dancing. Maraming taon na rin siyang artista pero parang mas marami siyang imbitasyon para magpamalas ng galing sa pagsasayaw sa isang metal na poste kesa gumanap sa isang acting role.
At namamalas naman ang husay niya sa pole dancing at ang malaking pagbabago ng kanyang pangangatawan. Seksing-seksi siya at kung ito ay resulta ng pole dancing, aba malaki ang naitutulong niya sa pag-unlad ng nasabing sayaw o sport na ba itong maituturing?
Kaya lamang sa pagsikat niya bilang isang pole dancer, hindi kaya mabawasan ang pagkakataon niyang magbuntis? Bagong kasal siya at baka sa halip na magbuntis siya agad ay matagalan pa ito dahil nga sa pagod na dinaranas niya sa pagpapaunlad ng kanyang craft?
Hindi naman nakikita sa screen ang mga sinasabi niyang pangingitim ng kanyang balat at pagkakaroon ng pasa dahil sa hirap ng kanyang ensayo. Baka naman kapag magaling na magaling na siya ay hindi na siya magkakaroon pa ng pasa. Maliit na kabayaran lang ito kung titingnan ang kanyang lumalawak na expertise sa pole dancing.
* * *
Sa kanilang personal na buhay lang naman maghihiwalay sina Gerald Anderson at Kim Chiu, sa trabaho isa pa rin silang loveteam. Inamin ito ni Gerald sa isang interview na ibinigay niya bilang paglilinaw sa napakaraming katanungan tungkol sa status nila ni Kim.
Sinabi ng aktor na maski na sa simula ng kanilang pagtatambal ay talagang magkaibigan lamang sila ng aktres, kung lumabis man sa pagkakaibigan ang kanilang relasyon at naging special friendship, never itong lumabis sa caring at naging love. “I will always care for her,” ang naging sagot niya sa tanong kung minahal ba niya si Kim.
Pero sa kabila ng sinasabing break up nila, sila pa rin ang magka-date sa Star Magic Ball kamakailan at Best Dressed ang pair nila.
Pero ano itong balita na pagkatapos ng party, si Bea Alonzo ang kasamang umalis ni Gerald at hindi si Kim. Naiwan daw si Kim kasama ang mga kaibigan doon sa venue.
Si direk Cathy Molina Garcia naman ang ka-date ni Rayver Cruz habang si Christian Bautista naman ang kapareha ni Cristine Reyes.
Si John Lloyd Cruz ang napiling King of the Night pero hindi ang ka-date niyang si Shaina Magdayao ang napiling Queen kundi si Maricar Reyes.
Si Shaina ang kumuha ng Fashionista Award habang ang counterpart niya ay si Jake Cuenca na date naman ni Melissa Ricks.
Most Glamorous si Anne Curtis, siya rin ang nanalo last year.
Most Stylish Pair naman sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo.
Second time naman na nakitang magka-date nina Piolo Pascual at KC Concepcion na ipinalalagay ng marami na isang pagmamamalas ng kanilang mas gumagandang relasyon.
- Latest