Bulilit nangangarap maging child wonder
MANILA, Philippines - Isang bulilit ang nangangarap ding pasukin ang mundo ng showbiz tulad ng ibang mga bagets na pinalad na sa telebisyon – sina Zaijian Jaranilla at Jillian Ward.
Ito ay ang anim na taong gulang na Fil-Jap, si Mirai “Meme” E. Shimada, na ipinanganak sa Nagano, Japan. Sa murang edad, nagpapakita na ng kahiligan sa pagkanta, pagsayaw, at panonood ng mga TV shows. Isinali ng mga magulang si Meme sa Teatrong Bulilit, Children’s Theater Education, at Yamaha School of Music para mahasa ang talento at hilig sa pag-entertain sa tao.
Bukod sa pag-aartista, pangarap din ng bata na maging doktor paglaki o hindi kaya’y presidente ng bansa. Nasabi ito ni Meme dahil napanood niya ang mga kaganapan noong eleksiyon hanggang maupo si Pangulong Noynoy Aquino.
At kahit Buddhist ang Daddy Hideo niya at Katoliko naman si Mommy Eleanore, disiplinado at may takot sa Diyos si Meme dahil ganoon siya pinalalaki ng mga magulang kahit magkaiba ang kultura at relihiyon nito.
Kung mabibigyang pansin at papalarin sa TV and movie industry, baka makadiskubre ng isa pang child wonder kay Meme.
- Latest