Zoren at Carmina hindi natatakot mabigo!
Aakalain mo bang magki-klik ang Love ni Mister Love ni Misis show nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi?
Pero pinatutunayan ng dalawa na bukod sa pag-aartista ay pasado rin sila bilang TV host. Sila ang magandang ehemplo ng isang samahan na kahit di pinagbuklod ng kasal ay pinagbubuklod naman ng pagmamahal. Obvious na hindi lamang nagmamahalan ang dalawa, masaya rin sila sa kanilang pagsasama. Kita mo ang chemistry nila. Sana balang araw ay ikasal sila at ipalabas ito sa kanilang show.
Ang maganda sa dalawa, game sila sa mga challenges na ibinibigay sa kanila, hindi sila natatakot na mabigo, katulad din marahil ng pinagdadaanan nila sa kanilang pagsasama. Maski na ang magandang pagpapalaki sa kanilang kambal ay nakikita sa show. Kaya sila pinanonood dahil nagpapakita sila ng magandang ehemplo, nakikita naman na hindi sila perfect pero ang maganda narun ‘yung tapang na sumuong sa mga hamon. Basta magkasama lamang sina mister at misis.
Congrats sa kanilang dalawa.
* * *
‘Di tulad nun na parang itinatago sa tao ang mga Castways, ngayon parang isinasabak sila sa mga shows ng GMA7 para mabigyan ng mas malawak pang exposure, para mas makilala pa sila ng tao at mabigyan ng promosyon ang Survivor Philippines.
Tama ang GMA sa desisyon nilang ito. Mas marami ang nagkakaroon ng interes sa show at ‘yung mga Castaways, mas sumisikat.
Di gaya ng dati na sa Survivor lamang sila napapanood. Nahahatak nilang pataas ang show and vice versa.
* * *
Ako rin, naniniwalang walang ibig sabihin si Gloria Diaz sa kanyang comment tungkol sa mga beauty contestant na sumagot sa mga katanungan sa kanila sa salitang gamay nila.
Hindi ko lang alam kung bakit ito binigyan ng masamang pakahulugan. Eh, si Gloria hindi naman kilalang manlalait at kung totoong ang karelasyon niya ng matagal ay isa ring Cebuano, Bisaya, talagang hindi siya magsasalita ng hindi maganda tungkol sa mga Cebuano dahil damay din ito.
Huwag naman tayong pabigla-bigla sa mga desisyon na ituring siyang persona non grata, at agad pahingian siya ng dispensa.
Paano ngayong nagkamali lamang ng interpretasyon sa mga sinabi niya, hihingi rin ba kayo ng dispensa sa kanya?
- Latest