Toni, KC, Charlene, at Boy nagpapatalbugan ng damit
Napaka-humble naman ni Christopher de Leon na para siguro mapagaan ang loob ni Coco Martin who admitted na ninerbiyos siya at nanginig nang makasama ang hari ng drama sa pelikulang Sa ‘Yo Lamang ay nagsabi rin na hindi lamang si Coco ang nakaramdam ng ganung feeling, siya rin. Ninerbiyos din daw siya nang magka-eksena sila.
Pero baka hindi naman nagpapakababa lang ang premyadong aktor, baka nga naman na-challenged din siya nang nakasama ang batang aktor na sumikat at nagka-award ng marami sa mga indie films. Hindi rin naman basta-basta si Coco, he has proved himself sa marami niyang pelikula at bagaman at ngayon lang siya lumilinya sa mainstream movies, sa TV ay nagpakitang gilas na rin siya.
Lahat naman ng efforts ng mga gumanap sa Sa ‘Yo Lamang has paid off. Pinipilahan ang movie, maganda raw at walang lumalabas sa mga sinehang hindi mugto ang mga mata. Even Charlene Gonzales admitted sa The Buzz na iniyakan nila ng husto ni Liezl Martinez ang movie. Hihintayin na lang ang magiging kapalaran nito pagdating ng awards season para makumpleto ang success ng pelikula.
Going back to Coco, muling nakita ang versatility niya nang kumanta siya sa promosyon ng bagong serye ng ABS-CBN na Idol na kung saan parehong singer ang kasama niya, sina Sarah Geronimo at Sam Milby.
* * *
Nandun ako sa studio na kung saan ginaganap ang The Buzz nung Linggo at admittedly medyo may pagka-istrikto sa mga pinapasok sa loob which is understandable dahil maliit lang ang studio at hindi masyadong makakakilos ang mga taong involved sa show kung masyadong marami ang manonood. Limitado lang ang audience sa seating capacity.
Napansin ko, hindi lamang ang mga female hosts (KC Concepcion, Toni Gonzaga, Charlene Gonzales) ang may tila paligsahan sa pagandahan ng damit, maski na ang nag-iisang male host (Boy Abunda) ay hindi nagpatalo sa kanyang all black outfit which is regularly made for him by a well known Singapore based designer.
Napansin ko nga na kahit pinakabata sa mga host si KC, siya lamang ang nagpakita ng cleavage, sina Toni at Charlene ay parehong takip na takip ang dibdib. Pero labas naman ang legs ni Toni sa kanyang black micro mini.
Na-miss ko si Jobert Sucaldito na nagbibigay ng mga karagdagang entertainment news kasama si Phoemela Baranda. Nag-resign naman daw ito ng maayos sa management ng show at maging kay Boy Abunda. At pinayagan naman.
Most of the interviews are done by Boy, meron din si KC pero live itong ginagawa sa studio. Marami sa mga isyu na hinihintay ng tao na mabigyan ng linaw ay sa mga interviews ni Boy nasasagot. Tulad ng isyu sa kung mahal pa ni Gerald Anderson si Kim Chiu.
Sinagot ito ni Gerald ng “I care for her” and not “I love her” mind you. Kaya ba hindi na sila nagkaka-partner sa ASAP XV? Sa napakaganda nilang dance opening sa ASAP XV nung Linggo, si Enchong Dee ang naging ka-partner ni Kim habang si Sam Milby naman ang nakaduweto ni Gerald sa kanilang dance number.
* * *
Nahirapan daw mag-shoot sa Japan sina Aga Muhlach at Angel Locsin ng kanilang pelikulang Huling Sayaw. Bukod sa malalayo ang nilalakad nila at nagrereklamo na si Angel na nagkakakalyo na siya sa paa ay lubhang napakainit pa sa bansang Hapon dahil summer ngayon dun.
Nakabalik na si Aga ng bansa at bumabawi ito ng tulog dahil talagang halos wala silang tulog sa ilang araw na itinigil nila sa Japan. Sinabi ni Aga na ang script ng Huling Sayaw ang pinaka-magandang script na tinanggap niya in his movie career.
* * *
Sa ganda ng mga opening numbers na napapanood sa Danz Showdown araw-araw, sulit ang paggising ng maaga para lamang mapanood ang programang lubhang pinagbubuhusan ng panahon para lamang makakuha ng isa, yes isa lamang, bagong miyembro ng Sexbomb.
- Latest