Robin at Mariel ginagawang diary ang ELive
MANILA, Philippines - Madugo ang taping ng Imortal nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz kaya hanggang ngayon ay hindi pa ito napapalabas.
Marami na kasing naiinip kung bakit naman pagkatagal-tagal nitong ipalabas samantalang parang ang tagal nang napi-press release ang programang ito nina Angel and John Lloyd.
Supposedly ay kasama ito sa second quarter ng mga bagong shows ng ABS-CBN pero ayun nga, magla-last quarter na halos ng taon, hindi pa nag-uumpisang ipalabas.
Masyado raw bongga ang nasabing programa nina Angel at John Lloyd na dinidirek ni Chito Roño. Masyado raw binubusisi ni direk ang mga special effects kaya abangan na lang natin.
* * *
Kasing tindi nga ba ng awayang Fortalejo-De Silva ang kompetisyon sa pagitan ng dalawang loveteam ng Martha Cecilia’s Kristine?
Dahil parehong sinusubaybayan at kinakikiligan, madalas ikinukumpara sina Rafael Rosell at Denise Laurel na kilala sa kanilang maiinit at matatamis na eksena bilang Marco at Emerald, at ang makulit na tambalan nina Zanjoe Marudo at Cristine Reyes, na gumaganap bilang Jaime at Jewel.
Pero sagot ni Rafael, wala raw tensiyon o isyu sa pagitan ng dalawang loveteam. “We work hard for the bigger picture, pero in terms of inaaway namin ang isa’t isa, hindi ganun. One team lang naman kami, ” paliwanag niya.
Dagdag naman ni Denise, lahat sila ay may time to shine sa programa. “Walang damutan. Sabi mismo ni Direk Rory (Quintos), lahat ng character mabibigyan ng chance mag-shine dahil sa mga twists and turns sa kuwento,” sabi pa ni Denise.
Nang tanungin naman kung mayroong namumuong pagtitinginan sa most sensual on-screen sweethearts, ibinunyag ni Rafael na pareho silang naka-focus sa trabaho. Gayunpaman, inamin niyang komportable siyang makipag-lovescene sa dalaga.
“I’ve done one of the most creative lovescenes with her. It was more of a dance. It was just beautiful,” ani Rafael sa kanilang pinaka-latest na mainit na eksena sa programa kung saan mga silhouette lang nila ang naaninag.
Sa kabilang dako naman ng Paso De Blas, nagkakaigihan na rin sina Cristine at Zanjoe, na mukhang mas pinagtibay pa ng kinasangkutan na kontrobersiya sa Twitter.
Bunyag ni Zanjoe, masasabi niyang lumalim ang samahan nila dahil sa nangyari. “Mas naging close kami. Kumbaga, may pinagdaanan na kami,” sabi ng aktor.
Minsan pa raw ay napagsasabihan sila dahil sa kanilang kakulitan sa set. “Nadiskubre ko playful pala si Cristine, masayahin. Kaya ’pag hindi nagti-take, nagbo-bonding kami, minsan naglalaro,” say ni Zanjoe.
Nangako na rin si Cristine na tutulungan siyang magbalik sa Twitter. Pag-iimbita pa ni Zanjoe, “Babalik ako, ’yung nag-follow sa ’kin dati, follow n’yo ako ulit.”
* * *
Nasa YouTube na ang trailer ng bagong season ng Glee.
Bongga, mukhang exciting nga lalo na nga at nakikita na si Charice sa nasabing trailer.
May gamit na malaking glass si Charice at kitang-kita na makikipagtalbugan siya.
* * *
Sobrang OA naman ang kuwento ni JL na tinatanong sa kanya kung totoo ang narinig nilang dinala raw ang isang aktres sa hospital dahil may naiwang something (condom) sa kanyang flower after nilang mag-sex ng boyfriend niyang actor.
Parang hindi naman true ’yun.
Kakikita ko lang sa aktres na ini-interview sa TV kaya parang wala namang naiwang condom ang aktor na karelasyon niya.
* * *
May bayad kaya ang ELive kina Robin Padilla at Mariel Rodriguez?
Grabe, parang diary na ng mag-syota o mag-asawa na yata ang nasabing programa ng ABS-CBN.
Sa nasabing programa lang napi-feature ang mga nangyayari sa kanila: Ang ginawang operasyon sa matris kay Mariel at ang bakasyon nila sa Hong Kong.
Sa nasabing programa rin kinumpirma ni Robin na ibabalik na nga ang anak niyang si Alih sa ina nitong si Liezl Sicangco sa Australia.
At si Mariel kahit kakaopera lang, pumayag magpakuha sa ELive.
Parang mag-asawa na nga ang dalawa.
Sa “in case of emergency” contact ni Mariel nang magpa-admit sa hospital, si Robin na ang inilagay niya, hindi na ang kapamilya niya.
Well, subaybayan natin ang susunod na kabanata sa love story nina Mariel at Robin.
- Latest