Sumaklolo. Raymart at Derek aayusin ang gusot nina Claudine at Angelica
TRUE : Reliable ang nagparating sa amin ng impormasyong itutuloy talaga ni Angelica Panganiban ang pagsampa ng demanda laban kay Claudine Barretto kung hindi nito iri-retract ang mga binitiwang pahayag laban sa una.
Nakasaad sa demand letter na ipinadala ng abogado ni Angelica na si Atty. Joji Alonzo na kung hindi maglalabas ng retraction si Claudine, mapipilitan silang magsampa ng kaukulang kaso laban sa aktres.
Kaya pagkatapos lumabas sa media ang demand letter na ’yun, naglabas na ng statement si Raymart Santiago para maipagtanggol si Claudine. Nakasaad sa kanyang pahayag na nagkausap na sila nina Martin Castro at Derek Ramsay at nagkasundong ayusin ang gulo sa mahinahong paraan.
Dapat ay magbibigay din ng statement ang abogado ni Martin sa TV Patrol nung isang gabi pero hindi ito natuloy.
Hinihintay din ng kampo ng mag-asawang Raymart at Claudine na magsalita si Martin para sagutin ito ng aktor.
Inaasahang maaayos din ito at hindi na aabot sa demandahan.
TANONG : May balak na ba si KC Montero na pasukin ang escort service kung sakaling wala na itong trabaho?
Malapit nang magsara ang radio station na pinagtatrabahuhan ni KC kaya napagtripan nitong mag-post sa kanyang Twitter account ng kung anu-anong kalokohan.
Unang nai-post nito: “It’s our last 30 days on U92…today on the show we discuss my job options. I want to be a bullfighter.”
Sunod niyang tweet: “I’m gonna call an escort service now and see if I can work there, listen.”
Tuloy pa rin ito sa tweet niyang, “Anybody have a landline of an escort service? I’m trying to call them on air.”
Hanggang sa, “I found one…hahaha! I hope they’re hiring at this escort service.”
Kung hindi mo gaanong kilala si KC, puwede mong seryosohin ang mga ipino-post nito sa mga social networking sites niya.
TOTOO KAYANG umalis si Lovi Poe patungong Hong Kong nung nakaraang Lunes na walang return flight ang ticket?
Wala ito sa Party Pilipinas ngayong araw at mukhang magtatagal pa sa Hong Kong para samahan si Cong. Ronald Singson.
Iniiwasan na ni Lovi na pag-usapan ang pagpunta niya sa Crown Colony.
TSIKA LANG : Malapit nang lilipatan ni Glaiza de Castro ang bagong bahay na binili ito somewhere in Quezon City.
Konti na lang ang aayusin at puwede na niyang lipatan. Balak ni Glaiza na lilipat siya sa bagong bahay na binili niya sa pilot airing ng bagong programa niyang Grazilda.
Sa Sept. 13 na magsisimula ang Grazilda kaya sobrang excited ang young actress.
Tuwang-tuwa ito sa napakaraming blessings na dumarating sa kanya, kaya pawang pasasalamat na lang sa Diyos ang ipinagdarasal nito.
Kakaibang fantaserye itong Grazilda na pagbibidahan ni Glaiza sa GMA Telebabad.
Ang kuwento ay hango sa point of view ng kontrabida na si Grazilda na isa sa mga stepsisters ni Cinderella kaya ibang approach ito kung ikukumpara sa karaniwang fantaserye.
- Latest