^

PSN Showbiz

Nora takot magdemanda

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Hanggang ngayon hindi pa rin maliwanag sa akin kung kailan mag­sasampa ng demanda si Nora Aunor laban sa mga taong naging sanhi para mawalan siya ng boses at hindi na maka­pag­trabaho. 

Sa bilis ng aming pag­kikita ay marami kaming bagay na napag-usapan, una na ang kanyang kalagayan at ang naging dahilan nito pero naka­ligtaan kong itanong kung itutuloy niya ang kanyang demanda at kung kailan niya ito gagawin.

Tanong ng maraming kumausap sa akin, ano ang pumipigil kay Nora para hindi pa siya mag­demanda ngayon na, eh wala siyang pinag­kaka­kitaan? Wala nga siyang pera para mag­pagamot sa isang doktor sa Boston na naka­kagamot ng ga­nitong sakit, ’yun nga lang may kama­halan ang treat­­ment at hindi pa si­gurado na babalik ang boses niya.       

Sinabi rin niyang gus­tuhin man niyang magde­manda, wala naman siyang ikakaya sa napa­kalaking gastusin na kakailanganin niya, eh isang napakalaking kum­panya ang babanggain niya. Gusto kong sabihin na tanggapin na niya ang mga tulong na pinansyal na ibinibigay ng marami sa kanya, pero ayaw niya, so, ano ang gaga­win niya?

Hindi ko rin alam. Hindi ko naman siya pu­wedeng pangunahan. Hinta­yin na lamang natin ang gagawin niyang pagpapasya.

*    *    *

’Di ba kayo nagu­gu­luhan sa away nina Clau­dine Barretto at An­gelica Panga­niban? Ako kasi, gulung-gulo. ’Di ko na alam ang pu­no’t dulo ng away nila. Akala ko kasi si Angelica ang pinagbibintangan ni Clau­dine na nagkakalat ng mga malisyosong usa­pan tungkol sa kanya at sa isang lalaki na sinasa­bing naka-re­lasyon niya na kaibigan ni Derek Ramsay.

Ngayon naman si Clau­dine ang pinata­tahimik ng abogado ni Angelica dahilan sa pagsa­salita nito’t pagba­banta sa kliyente niya. At pinababawi pa nito kay Claudine ang mga diu­mano’y sinabi niya laban kay Angelica.

Sino ba talaga ang nagsimula ng gulo? Na­ka­kagulo pa kasi ’yung paki­kialam at pakiki­saw­saw ng marami. Dati namang magkaibigan ’yan, hindi naman siguro sila tatanggi na maayos na ang lahat para tumahimik na ang buhay nila.

*    *    *

Kung ako ang tata­nungin, dapat ’di na naki­ki­pag-boksing pa si Man­ny Pacquiao, kasi kon­gresista na siya. May obligasyon na siya sa maraming tao na bumoto sa kanya na nanini­walang makatutulong siya ng malaki para ma­pabuti ang buhay nila. Kapag nasa boxing ring siya ay inilalagay niya sa panganib ang kanyang buhay. Kapag may ma­sa­mang mangyari sa kan­ya, tapos na rin ang pag-asa nila.

Mag-retire na lang siya habang maaga and concentrate on his work as a congressman. Maa­aring maliit ang kikitain niya rito kesa boxing pero sino ba ang pumili para siya maging kongresista, hindi ba siya rin? Tutal matagal na niyang pina­liligaya ang kanyang mga boxing fans. Sapat na iyon. ’Di ba, Mommy Dionisia?

CLAU

DEREK RAMSAY

KAPAG

MOMMY DIONISIA

NIYA

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with