^

PSN Showbiz

Juday ayaw magpa-inject ng anesthesia, titiisin ang sakit sa panganganak

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Sa launching niya bilang bagong endorser ng Ener­von Multivitamins unang in-announce ni Ryan Agon­cillo ang name ng baby boy nila ni Judy Ann San­tos na malapit nang isilang. Nadulas ang TV-host-actor nang banggitin ang name at narinig ‘yun ni Nel­son Canlas ng GMA Network, kaya hindi na tinigilan si Ryan.

Tinawagan muna ni Ryan sa cellphone si Judy Ann para ipaalam na ia-announce na niya sa press ang name ng baby boy nilang si Juan Luis at may pa­la­yaw na Lucho na ang ibig sabihin sa Spanish ay “little fighter.”

 “Ang full name ni Yohan ay Yohan Louise, ang real name ko ay Christopher Lou and my dad’s name is Luis Vincent, kaya malapit sa names namin ang Juan Luis. Nag-decide kaming old name na madali lang sa bata,” sabi ni Ryan.

Ikinuwento rin ni Ryan na bilang pag­hahanda sa malapit na pagsisilang ni Judy Ann, may breast­feeding class na ito at next week na­ma’y ang birthing class na pa­reho nilang dadalu­han. May yoga, pre-natal mas­sage na rin ang ak­tres at nag­­wu-walking sa village nila.

May experience na rin si Ryan sa cae­sa­rian delivery nang manood ng panga­nga­nak bilang pag­hahan­da sa movie sana nila ni Judy Ann. Pina­yagan siyang pumasok sa delivery room ng St. Luke’s at ipinagma­la­king hindi siya hi­nimatay.

“In two weeks time, complete na ang nursery room na project ni Juday at finishing na lang at tapos na siya. Ayaw mag-take ni Juday ng epidural dahil baka makaapekto sa baby. “Hindi namin alam kung magla-Lamaze kami,” sabi ni Ryan.

Sabi pala ni Ryan, bagay na bagay sa kanya ang Enervon Multivitamins dahil sa sunud-sunod na trabaho at sasabak siya sa puyatan ‘pag luma­bas na si Lucho. Agree rin siya sa tagline nitong “more energy, mas happy.”

Gawa ng Unilab ang Enervon.

* * *

Umalis noong Wednesday si Heart Evange­lista for a two-week US vacation with her family. Kaya inu­nang kunan ang mga eksena niya sa La­ngit Sa Piling Mo dahil sa bakasyon na ayaw na raw sana niyang samahan, kaya lang, first time na magba-bonding ang family niya for a long time. Sagot ng ama ng aktres ang bakasyon nilang mag-anak.

Hula namin, malaki ang kina­laman ni Daniel Ma­tsu­naga sa mun­tik nang hindi pagsama ni Heart sa bakasyon with her family. Sa last tweet nito bago umalis, ang nakalagay ay “Yes, we are dating! It’s nice, he’s very nice” na sure kaming si Daniel ang tinutukoy dahil ‘pag nai-interview tung­kol sa Brapanese hunk, madalas, “very nice” ang descrip­tion na sinasabi nito.

Nahuli rin ni Dinno Erece na sa isang eksena sa Langit…, katabi ni Heart si Mark Herras, pero kay Daniel nakikipag-eye contact at pareho silang nakangiti. Ay, it must be love!

Ang ganda rin ng ngiti ni Heart nang sabihin ng press na kung magiging sila ni Daniel, they will make a lovely and gorgeous couple.

 Bakit nga hindi sila pagtambalin sa next soap ng GMA 7?

Samantala, ilang linggo nang walang number ang Glam Girls sa Party Pilipi­nas, true bang buwag na ang gru­pong ito?

“Wala pang sinabi sa amin kung buwag na ang grupo, hindi ko na rin alam minsan kung sino ang Glam Girls dahil ‘pag may hindi nakakarating sa rehearsal, pinapalitan. Two weeks nang kami lang ni Lovi (Poe) ang may number,” sabi ni Heart.

vuukle comment

CHRISTOPHER LOU

DANIEL MA

DINNO ERECE

GLAM GIRLS

JUAN LUIS

JUDY ANN

NANG

RYAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with