^

PSN Showbiz

Hindi ikinahiyang aminin , Nadine kamag-anak ng hostage taker

- Ni SVA -

MANILA, Philippines - Grabe rin ang pinagdadaanang dusa ni Amy Perez makuha lang sana ang pinakamimithing annulment sa nauna niyang asawang si Brix Ferraris. Mahigit isang dekada na siyang naghihintay na ma-annul ang kasal nila pero hanggang ngayon, wala pa ring nangyayari samantalang alam naman ng lahat na matagal na silang walang communication at wala itong ibinibigay na sustento sa kanilang anak na si Adi.

Ni-reject ng lower court ang nauna nilang petition for annulment hang­gang nakarating na sa Supreme Court.

Sinubukan ni Amy na hanapin sa Facebook si Brix na ang balita niya ay kasalukuyang nasa Amerika. Na-search naman nila ng anak niyang si Adi pero hindi raw ito nag-reply.

Kaya hindi na niya pinilit.

Hindi nag-iisa sa ganitong kaso si Amy. Karamay niya rito ang pinsan niyang si Zsa Zsa Padilla na hanggang ngayon ay hindi pa rin pinapayagan ng korte na ma-annul ang kasal kahit alam na ng buong bayan na matagal na silang wala ng asawa niya na si Modesto Tatlonghari.

Anyway, kung may problema si Amy sa annulment niya, kabaligtaran naman ito sa kanyang bonggang career ngayon.

Mula sa phenomenal na tagumpay ng isa sa pinakamainit na daytime program ng TV5, ang Face to Face, ihahandog nila sa mga manonood ang mga kuwento sa likod ng bawat problemang idinudulog sa programa sa Untold Stories.

Ilalahad ng Tiyang Amy ng Bayan na si Amy ang mga pinaka-pinag-uusapang kuwento simula sa Huwebes (Setyembre 9), 8:00-9:00 p.m. sa mas bigating Primetimes5 ng TV5.

Susuriin ng Untold Stories ang mga pinaka-eksplo­sibo at kaabang-abang na episode mula sa talak-serye upang mahusay na mailahad ang pinagmulan ng bawat istorya. Titipunin din ng palabas ang mga de-kalibreng artista upang bigyang-buhay ang mga totoong karakter at kuwento sa likod ng bawat episode.

Kung pagbabatayan ang husay niya sa pagtimbang sa dalawang nag-uumpugang panig araw-araw, walang dudang si Amy na ang may pinakamahirap na trabaho sa industriya pagdating sa pagho-host .

 “Siyempre pa, kinagagalak ko ang tiwalang ibinibigay ng TV5 management sa akin,” ayon kay Ms. Amy.

“Ang Untold Stories ang sukli namin sa mga manonood na walang sawang tumatangkilik sa Face to Face,” ayon pa sa kanya. 

Sa unang episode - Paano Hahatiin ang Gabi?, ibabahagi ng drama anthology ang isa sa pinaka-kontrobersiyal na episode mula sa Face to Face, ang Kabit na Dikit nang Dikit. Starring dito si Ms. Dina Bonnevie bilang si Aling Nelly, ang mapagtimping asawa ng babaerong mister na si Mang Denio (Jay Manalo) na lantarang ibinabahay ang kabit na si Aling Lisa (Glydel Mercado) sa kanilang paupahang apartment.  

Parang Maalaala Mo Kaya ang presentation ng Untold Stories na ikinagagalak ni Amy. “Bakit gusto ko namang maging Charo Santos. Malay mo ma­ging presidente ako ng network,” sabay tawa ni Amy.

* * *

Hindi ikinahihiya ni Nadine Samonte na pinsan ng nanay niya si Rolando Mendoza. Yes ang hostage taker na nakapatay ng walong Chinese nationals.

Pumunta pa siya sa burol ng nasabing hostage taker nang ayain siya ng lola niya sa Batangas.

“Hindi ko agad naalala na siya pala yung pinupuntahan namin noon sa Batangas,” kuwento ni Nadine.

ADI

ALING LISA

ALING NELLY

AMY

AMY PEREZ

ANG UNTOLD STORIES

BATANGAS

BRIX FERRARIS

NIYA

UNTOLD STORIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with