^

PSN Showbiz

Matapos i-tweet na nahipuan ng boobs, Cristine nasuhulan ng cupcake ni Zanjoe

- Veronica R. Samio -

Napaka-cheap naman kung agad nang binati ni Cristine Reyes si Zanjoe Marudo dahil lamang sa binigyan siya nito ng cupcake. Matatandaang nagalit si Cristine nang sabihin ni Zanjoe sa Twitter account niya na nahawakan nito ang boobs niya sa isang eksena nila sa Kristine.

He could have kept it to himself but he chose to announce it to the whole world, ‘yun ang ikinagalit ni Cristine. But all’s well that ends well. Wala nang twitter account si Zanjoe na ikinatutuwa ni Cristine pero balak itong ibalik ni Zanjoe, hindi niya lang alam kung papaano.

Speaking of Kristine, kilig na kilig ang mga ma­no­­nood nito sa tandems nina Zanjoe at Cristine at Rafael Rosell at Denise Laurel.

Pinangangatawanan ni Direk Rory Quintos ‘yung sinabi niya na hindi man kasing seksi ng libro ang mga eksena niya sa serye pero, napa­kataas naman ng kilig factor nito.

Hindi kataka-taka kung sa mga oras na ipinalalabas ito kasunod ng Magkaribal ay na­kadikit na sa kanilang mga TV sets ang mga manonood.

Torrid ang mga kissing scenes nina Rafael at Denise pero kahit comedy muna ang drama nina Cristine at Zanjoe, nagbabadya naman ang mga ek­sena nila ng mas matitinding romansa sa hinaharap.

Huwag lamang uli silang magkagalit, dahil ma­hihirapan na silang magkunwari kapag dumating na ang oras na meron na silang gagawing love­scenes.

***

Iba talaga kapag sina Tutti Caringal at Yeng Cons­tantino na ang host ng Music Uplate, mas ma­saya ang palabas. Magagaling din ‘yung mga pu­mapalit sa kanila tuwing Biyernes at ‘yung kasalu­kuyan nilang female co-host, pero parang ini­hahanda lamang nila ang mga manonood sa ma­dalas na pag­kawala nina Tutti at Yeng sa show tuwing may mga pa­­la­bas sila sa abroad o maski na sa probinsiya lamang kaya binibigyan sila ng co-host.      

Maganda ‘yung naging guests nila nung Monday, ang grupo nina Rico Puno, Nonoy Zuñiga, Marco Sison at Rey Valera na sa dalas ng pagsasama nila ay nakakakanta na ng magkakasama ng may blen­ding.

Para na silang isang koro. Obviously, ang crowd ng apat ay ‘yung mga kaedad ko para makasabay sa pagpapatawa ni Rico at ma-appreciate ang mga kinakanta nila.

Mas pinuri ng mga texter ang kinanta ng host ng show. Pero sina Tutti at Yeng, palaging fans ng mga guests nila. Nun ko rin lang nalaman na marami pa rin palang bagets na nanonood ng TV ng ganung oras. Tulog na ba ang mga eldery at senior citizens?

***

Ang nag-iisang Popstar Princess na si Sarah Geronimo ay magbabalik primetime sa serye na pinamagatang Idol na bibida na ngayong Setyembre 6 kasama sina Sam Milby at Coco Martin.

 “Exciting po talaga itong Idol. Ang tagal na rin po kasi since napanood po ako ng mga tao sa primetime, ‘yun pa po ‘yung sa Bituin Walang Ningning. Four years na rin po ang nakalipas.”

Bibigyang buhay ni Sarah ang karakter ni Billie/Jean, isang simpleng dalaga na may pambihirang boses. Minsang nangarap na abutin ang mga bituin, halos abot-kamay na niya ngayon ang pinaka-aasam na tagumpay. Ngunit dahil sa mga ‘di inaasahang pangyayari, kinailangan niyang talikuran ang kislap ng kasikatan alang-alang sa pamilya.

Samantala, mabibili ang limited-edition Idol shirts sa lahat ng Unica Hija boutiques at department store kiosks nationwide.

vuukle comment

BITUIN WALANG NINGNING

COCO MARTIN

CRISTINE

CRISTINE REYES

DENISE LAUREL

LSQUO

SHY

ZANJOE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with