Modern Family panalo sa Emmy
MANILA, Philippines - Kahit rookie o baguhan ang comedy TV series na Modern Family (best comedy) ng ABC, napansin ito sa Emmy Awards 2010 na ginanap kahapon sa Los Angeles, California. Tinalo nito sa puwesto ang paboritong Glee ng Fox. Pero hindi naman nakaligtaan ang ilang paboritong drama na sikat sa mga cable channels tulad ng Mad Men ng AMC (outstanding drama series), The Closer ng TNT, at The Pacific ng HBO. Tumanggap ng tropeo bilang lead actor at actress sa drama sina Bryan Cranston ng Breaking Bad at Kyra Sedgwick ng The Closer, at sa comedy sina Jim Parsons ng The Big Bang Theory at Edie Falco ng Nurse Jackie.
- Latest