^

PSN Showbiz

Billy Crawford yumabang!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

MANILA, Philippines – Masaya ang naging presscon ni Billy Crawford para sa kanyang solo concert na 25 B.C., ang kanyang selebrasyon ng ika-dalawampu’t limang taon sa showbiz.

Inisa-isa ng singer-TV host-actor ang mga pelikula niya bilang child actor noon na nagsimula sa Seiko Films noong three years old pa lang siya.

Nanggaling din siya sa That’s Entertainment nang mag-12 years old at 14 naman nang magtungo ito sa France hanggang gumawa ng malaking pangalan dun bilang international artist.

Ipinagpatuloy ni Billy ang naputol na local career at naging mainstay ng ASAP XV at host ng Panahon Ko ’To.

Ang show ni Billy ay idaraos sa Sept. 11, 18, at 25 sa Music Museum via ASAP Live-produced concert.

* * *

Kung noon ay walang proyekto si Angel Locsin kundi puro commercial, ngayon ay babaeng walang pahinga kung siya’y tawagin. Lagare ang magandang aktres sa primetime show na Imortal katambal si John Lloyd Cruz at may pelikula with Aga Muhlach.

Huling proyekto ni Angel ang Only You kasama sina Diether Ocampo at Sam Milby at isang taon na ito.

‘‘Nagpapasalamat ako dahil quality projects naman ang ibinigay sa akin ng ABS-CBN kaya sulit naman ang aking paghihintay. I’m busy again with taping and shooting at commitment ko sa mga komersiyal. Wala na akong time to take a break. I’m already 25 at nag-mature na ako,’’ paliwanag ni Angel.

Dahil sa sipag, tiyaga, at pagiging masinop sa pera ay matatapos na ang mansion na ipinagagawa ng aktres. Dinarayo ang negosyo niyang Fuel-Up Bar at paborito pa rin siyang product endorser kaya tuluy-tuloy ang mga blessings na natatanggap ni Angel.

vuukle comment

AGA MUHLACH

ANGEL LOCSIN

BILLY CRAWFORD

DIETHER OCAMPO

FUEL-UP BAR

JOHN LLOYD CRUZ

MUSIC MUSEUM

ONLY YOU

PANAHON KO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with