^

PSN Showbiz

Matapos layasan ng GF na Aussie, Baron babalikan ang pagiging barumbado

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

MANILA, Philippines – Sana nagbibiro lang si Baron Geisler sa sinabing magiging bad na naman siya dahil wala na ang good influence sa buhay niya. Ang ex-GF niyang Fil-Aussie na si Rachel Stevenson ang tinutukoy nitong good influence, kaso break na sila after one year and seven months relationship at bumalik na ito sa Australia dahil hindi natagalang malayo sa pamilya.

Kahit maayos ang paghihiwalay nila, broken­hearted pa rin si Baron lalo’t tinuruan siya ng ex na maging organized. Inaayos nito ang script ng bawat project niya, kung ano ang mahaba at maiksing lines niya para hindi siya nahihirapan.

Mukha namang nagbibiro si Baron dahil kung pag-inom na naman ang aasikasuhin niya, paano niya matutupad ang dream na makabili ng bahay para sa kanyang ina?

Bago magtapos ang 2010 ang target ng actor na ibili ng bahay ang ina, kapalit nang nasunog nitong bahay.

“Alam kong hindi ko mapapalitan ang six-bedroom door house ng mommy ko na nasunog, ang malaking garahe at four cars. Matutuwa na akong mabigyan siya ng kahit three-bedroom house, bigger sa two-bedroom house namin ngayon,” sabi ni Baron.

Si Arnold Vegafria na ang manager ni Baron, pero hindi pa siya pumipirma ng kontrata. Pinagtagpo raw sila ng Diyos at dahil new management na siya, new life at new everything na. Kabaligtaran ito sa sinabi niya sa unahan na babalik siya sa pagiging bad.

* * *

Totoo palang magtatagal dito ang Korean singer-actor na si Rain dahil sa September 2 na ang dating niya at hanggang Sept. 15 siya rito. Bukod sa Intensity concert na gagawin sa Sept. 11, magsu-shoot pa siya ng isang series under Unitel for TV5.

Huwag kayong magugulat kung sa series ni Rain na produced ng Unitel ay may mapanood kayong local stars na may cameo role o may special participation dahil sila mismo ang nagbo-volunteer na makasama sa series.

Isa rito’y si Edgar Allan Guzman na big fan ni Rain at magpapakamatay makita at mapanood sa concert si Rain. Laking tuwa nito nang malamang may maliit siyang participation sa series na gagawin dito ng Korean star dahil makikita niya ito ng malapitan.

* * *

Naloka ang isang lady reporter na nag-i-interview sa isang actor dahil sa halip na sagutin ang kanyang mga tanong, niyaya siya ng inuman. Ang feeling ng reporter, gusto lang iwasan ng actor na sagutin ang mga tanong kung nagbago na siya, kaya siya niyaya ng tomaan.

Muntik mag-walkout ang reporter sa inis, nahiya lang ito sa manager ng actor at sa nag-imbita sa kanyang kapwa reporter. Isinumbong ng reporter ang actor sa manager nito na nakiusap namang intindihin na lang ang kanyang talent at baka nagbibiro lang at nagpapaka-Robert Downey, Jr. lang.

* * *

Obvious na hindi pa okey sina Jessa Zaragoza at Rufa Mae Quinto dahil sabi ng una, okey silang magbatian ng huli, pero hindi ibig sabihin naga-agree na siya sa mga sinasabi nito. Payag din siyang makatrabaho si Rufa Mae, kaya lang, baka mahirapan ang staff sa kanila.

BARON GEISLER

DAHIL

EDGAR ALLAN GUZMAN

JESSA ZARAGOZA

LANG

NIYA

RACHEL STEVENSON

ROBERT DOWNEY

RUFA MAE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with