Dingdong sumagot na, Marian bawal makatrabaho ang ex-BF
TRUE : Sa Sept. 5 na ang dating ni James Yap galing Amerika. Sa kanyang pagbabalik, kailangan ay isumite na niya ang petition for Nullity of Marriage.
Pero hindi pa masasabi ng kanyang abugado na si Atty. Lorna Kapunan kung kailan nila ito gagawin dahil kailangan ngang mag-isip ng mabuti kung pursigido na nga ba siyang harapin ang annulment case nila ni Kris Aquino. Parang umaasa pa rin kasi si James na magkakaayos sila at posibleng magkabalikan silang mag-asawa.
TANONG kay Dingdong Dantes : Welcome ba sa ’yo si Ervic Vijandre sa pagpasok niya sa GMA 7 via Survivor Philippines: Celebrity Showdown?
“Bakit naman hindi eh kumbaga maaaring may dahilan kaya siya nakuha sa own expertise and kung anuman ’yung talent niya eh it’s something that we should all respect,” sagot nito.
Dagdag pang tanong kay Dingdong, open kaya siya sa ideyang magsama sila nina Marian Rivera at Ervic sa isang proyekto?
“Sa ngayon siguro, I don’t think it would be a good idea, honestly. Maybe this is chance to prove muna siguro kung bakit siya nandito, dahil may talent siya o may kinalaman siya sa entertainment industry, not just because he’s interesting dahil they had a relationship before,” sagot uli ng aktor.
TOTOO KAYANG nakarating na kuwento sa amin na nagkaroon ng matinding away noon ang kilalang young actress at ang kanyang ina nang minsang mag-shoot sila ng isang TV commercial?
Ang buong akala ng production staff ay nakahanda na si young actress na ikinabigla ng lahat nang malaman nilang hindi pa pala ito naka-make up.
Nang sinilip nila ito sa dressing room, naloka sila dahil ginugupit ni young actress ang buhok niya na ikinaloka nilang lahat. Isang kilalang brand ng shampoo ang isu-shoot ni young actress, kaya naloka ang advertising agency at ang buong production staff kasi biglang umikli na ang buhok ni young actress.
TSIKA LANG : Nagsimula nang mag-breastfeeding class si Judy Ann Santos bilang paghahanda sa kanyang pagiging ina.
Iniregalo ng kanyang handler ang one-on-one breastfeeding class.
“Kahit pala ilan ’yung anak mo, may tamang positioning pala talaga on how to breast feed the baby, so, nakakatuwa, marami akong natutunan,” tsika ni Judy Ann.
- Latest