^

PSN Showbiz

Kasalang John at Priscilla hindi na mapipigilan!

RATED A - Aster Amoyo -

Alam mo, Salve A., wala na talagang maka­ka­pigil sa na­­pi­­pintong pagpapakasal ng longtime sweet­­hearts na sina John Estrada at Brazilian beau­ty queen at 2004 Miss Earth na si Priscilla Meirelles na mangyayari sa isang eks­klu­sibong beach wedding sa La Union sa Pebrero 26, 2011. 

Si Randy Ortiz ang gagawa ng bridal gown at isu­suot ni John ganundin ang wedding entourage.

Ilan sa mga kumpirmadong kasama na tatayong principal sponsors ay sina Randy Ortiz, ang talent manager na si Wyn­­­gard Tracy, Charo Santos-Con­cio, Manny Pa­ngi­linan, Johnny Manahan, at Ben Chan. Tatayong Best Men sina Ri­chard Gomez at Willie Revillame habang Junior Best Man naman ang kaisa-isang anak na lalaki ni John sa kanyang ex-wife na si Janice de Belen na si Yuan.

Matron of Honor si Rep. Lucy Torres-Gomez at Marvi Young. Kasama sa mga Bridesmaids ang San Diego, Cali­fornia based best friend ni Priscilla na si Sandra Seifer at iba pang close friends na sina Sarann Lu ng New York, USA, si Tatiana at ang girlfriend ng kanyang kapatid na si Luis Claudio Almeida na si Talita.

Tatayo naman bilang isa sa mga Groomsmen si Luis Clau­dio, Anjo Yllana, King Reyno, Mike Gayoso, Perry Deen, Dennis Kenneth Hing, Herbert Lyn, at Leo Botte.

Kasama sa mga Bridesmaids ang tatlong anak na babae ni John kay Janice na sina Zcarina Isabella, Stefanie Moira, at Mikaela.

Hindi pa sarado ang kanilang mga Secondary Sponsors pero gusto nilang kunin ang soon-to-be husband and wife na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez ganundin ang mag-asawang Sen. Kiko Pangilinan at megastar Sharon Cuneta.

Saradong Katoliko si Priscilla pero isang Christian beach wedding ang magaganap dahil kay John.

Kung si Priscilla lamang ang masusunod, gusto sana niyang maging simple at intimate ang wedding nila ni John pero dahil sa rami ng mga kaibigan ng kanyang nobyo ay hindi ito puwedeng mangyari. Ganunpaman, sa kabila na marami silang invited guests na pawang malalapit kay John, gusto nila itong maging tahimik at sagrado.

Inamin sa amin ni Priscilla na kanila ring kinonsider ang pagpapakasal sa Hawaii pero naisip nila na marami sa kanilang malalapit na kaanak at kaibigan ay hindi makakadalo.

June or July next year, muling magpapakasal sina John at Priscilla sa hometown ng huli sa Brazil dahil karamihan sa mga kamag-anak at malalapit na kaibigan ni Priscilla ay hindi makakadalo sa Pilipinas. Kahapon, Aug. 27 ay nagtungong Brazil ang dalawa para bisitahin ang mga kaanak at kaibigan ni Priscilla sabay bakasyon. Hinintay muna ni John na matapos ang taping ng Agua Bendita na nagtapos na nung nakaraang Biyernes. Sa September 21 na ang kanilang balik.

vuukle comment

AGUA BENDITA

ANJO YLLANA

BEN CHAN

CHARO SANTOS-CON

DENNIS KENNETH HING

JOHN

PRISCILLA

RANDY ORTIZ

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with