^

PSN Showbiz

Matapos makisawsaw sa hostage taking sa 'Pinas, Jackie Chan isinumpa ng mga kababayan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

How true na wala na raw follow-up si Jackie Chan sa kanyang Twitter account?

I’m sure, naloka si Jackie dahil hindi nito ini-expect na magagalit ang kanyang mga kababayan sa statement niya tungkol sa hostage incident na kumitil sa buhay ng walong Chinese.

Imbyernang-imbyerna pa rin ang mga Hong Kong national sa ating gobyerno dahil sa malagim na pangyayari sa Quirino Grandstand noong Lunes. Pati si Jackie, nadamay sa kanilang galit!

* * *

Sa rami ng mga nakakausap ko, hindi ko na maalaala ang nagkuwento sa akin na rerentahan ng TV5 ang studio ng Diz Iz It sa Broadway Centrum.

Good news ito para sa mga loyalist ng mga variety show ng Kapatid network. Hindi na sila darayo sa malayong lugar o studio para mapanood ang kanilang favorite TV5 shows.

* * *

Goodbye CCP na ang CATS matapos ang halos isang buwan na pagtatanghal sa CCP Main Theater.

Siyempre, nalungkot ang Australian cast ng CATS dahil nag-enjoy sila sa pamamalagi sa ating bansa. Sila ang makapagpapatunay na hindi bayolente ang mga Pilipino at isolated case ang hostage incident sa Quirino Grandstand.

Dahil tapos na ang CATS, tuloy na mamayang gabi ang gala premiere ng Tarima sa CCP Main Theater.

Ang Tarima ang gay movie na pinagbibidahan nina Fanny Serrano at Gloria Romero.

* * *

Natuwa si Tita Gloria Romero nang malaman nito na pinupuri ng mga film critic ang acting niya sa Tarima.

Kontrabidang-kontrabida ang role ni Tita Glo sa pelikula at talagang kinainisan siya ng mga nanood sa special screening sa bahay ni Tita Fanny.

Seventy-six years old na si Tita Glo pero bagets na bagets ang kanyang itsura. Ang kanyang secret? Mahilig siyang matulog. Kapag may problema si Tita Glo, idinadaan niya sa tulog at presto, fresh na fresh ang kanyang itsura.

Totoo ang sinasabi ni Tita Glo dahil pareho kaming mahilig matulog. Natutunan ko ‘yan mula sa isang doktor na nagsabi sa akin na hindi dapat nilalabanan ang antok. Kapag naka-feel ka ng antok, itulog mo ito dahil ang antok ang paraan ng pagsasabi ng ating katawan na dapat tayong magpahinga.

* * *

Ako ang na-assign para mag-interbyu kay Dingdong Dantes at mapapanood ngayong hapon sa Startalk ang aming kuwentuhan portion.

Maraming revelation si Dingdong sa pag-uusap namin. Sinagot niya ang mga tanong tungkol sa relasyon nila ni Marian Rivera. Walang paliguy-ligoy ang sagot ni Dingdong nang itanong ko ang isyu na sobra na ang pagkaselosa ng kanyang girlfriend.

* * *

Ngaragan ang taping ng Lovebug Presents : Say I Do dahil bukas na ang airing nito.

Noong Lunes ang first day ng taping nina Mark Anthony Fernandez at Lovi Poe. Kinabukasan, nagpatawag agad ng presscon ang GMA 7 para malaman ng mga tao na bukas na ang airing ng episode na pinagtatambalan nina Mark at Lovi.

* * *

Narinig ko kahapon sa presscon ng Lady Dada ang balita na pinagmitingan daw ang isyu sa pagitan nina Claudine Barretto at Angelica Panganiban.

Ito ‘yung balita na idedemanda ni Claudine si Angelica dahil sa paninirang-puri sa kanya.

Nagsalita si Claudine na sasampahan niya ng kaso si Angelica. Nag-meeting na raw ang kampo ni Angelica bilang paghahanda sa asunto na ihahain ni Claudine.

* * *

Happy si Mother Lily Monteverde sa box-office result ng Mamarazzi dahil ‘yon ang kanyang sinabi nang magkausap kami sa telepono.

Ang Mamarazzi ang 50th anniversary presentation ng Regal Films. Sa kabila ng crisis na nangyari sa ating bansa, nanood ng sine ang mga tao para malibang sila at pansamantalang makalimutan ang mga kapalpakan na naganap sa Quirino Grandstand.

ANG MAMARAZZI

ANG TARIMA

CLAUDINE

DAHIL

MAIN THEATER

QUIRINO GRANDSTAND

TITA GLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with