Aga pagod na sa kaka-diet
MANILA, Philippines - Nagsasawa na sa kaka-diet si Aga Muhlach. Pero wala siyang choice. Kailangan niyang sumunod sa strict diet.
Nagbunga naman ang pagpapapayat niya. Ngayon, wala nang magsasabing chubby ang aktor.
Minsan daw ay gustung-gusto na niyang kumain ng marami pero, naiisip niya ang diet niya.
Bukod sa diet, kinukuwento rin ni Aga na hindi rin siya nagtitina ng buhok. “Kaya lang pag may pictorial, kailangan nilang paitimin. Pero minsan, hindi ko talaga pinaitiman, hinayaan ko lang siya,” sabi ng aktor na nasa Japan sa kasalukuyan para sa shooting ng pelikula nila ni Angel Locsin na Huling Sayaw na ang target playdate ay sa February 2011 pa.
Kinukuwento rin ni Aga na kahit anong dami ng babaeng nagkakagusto sa kanya, never siyang nakaramdam ng kakaiba o kahit man lang konting paghanga sa iba. Hindi na raw puwede dahil nakakandado na ang puso niya sa asawang si Charlene Gonzales.
- Latest