^

PSN Showbiz

Cesar taga-bili ng junk food nina Rhian at Jackie

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Pinuna namin ang gupit ni Cesar Montano nang makita sa taping ng Ilumina dahil hindi lang siya mas pina-guwapo, pinagmukha pa siyang bata. Sagot ng aktor, para sa pictorial niya for the September issue ng FHM ang bagong hairstyle para maiba ang dating niya.

Proud si Cesar dahil after Robin Padilla, siya pa lang ang second male actor na magko-cover sa sikat na men’s magazine. Kumuha siya ng make-up artist for the shoot para mag-ayos sa kanya dahil mala-G.Q. ang concept ng cover - napapaligiran siya ng mga naked women.

Excited na si Cesar na makita ang magasin at ang kinalabasan ng kanyang pictorial at nagbirong bibili ng marami para ipamigay sa mga kaibigan.

Anyway, tuloy ang taping ni Cesar ng Ilumina kahit kadalasan ay mahirap ang eksena. Natutuwa rin siya na open si Direk Mark Reyes sa mga suggestions nila ni Christopher de Leon at wala siyang reklamo sa young cast dahil very easy to work with at mababait ang mga kasama. Si Cesar ang tagabili nina Rhian Ramos at Jackie Rice ng junk food sa taping.

* * *

Kung hindi nagbago ng desisyon, kahapon sinam­pahan na ng kasong libel ng isang TV host ang TV and movie personality na feeling ng TV host, naninira sa kanya sa Twitter.

Kung wala mang Twitter account ang TV host, may nagparating tiyak sa kanya nang tini-tweet ng TV and movie personality na hindi maganda para sa kanya para dalhin ito sa korte.

Hindi namin pina-follow sa Twitter account ang TV and movie personality, pero dahil sa balitang ito, ipa-follow na namin siya.

* * *

Hindi namin maintindihan kung bakit kailangan pang itago ni StarStruck V male winner Steven Silva at First Princess Diva Montelaba kung may relasyon man sila. Wala naman silang ka-loveteam na dapat alagaan dahil si Sarah Lahbati na dapat ka-loveteam ni Steven ay kay Enzo Pineda nali-link.

Nasabi namin ito dahil bago umalis si Steven para dumalo sa Adobo Festival na ginawa sa Sacra­mento, California last Aug. 21-22, nakita silang sweet-sweetan sa Starbucks sa Victoria Tower branch sa may Timog.

Nagtago pa sa jacket ang isa sa kanila para hindi makilala ng tao, pero may nakakilala pa rin sa dalawa na naggu-goodbye siguro. This Friday ang balik ni Steven from the States, pero walang saysay na tanungin siya tungkol sa isyu dahil idi-deny o may alibi tiyak siya.

* * *

Magtatapos this Friday ang Pilyang Kerubin, pero walang dapat ikabahala ang mga fans nina                                                                                               Barbie Forteza at Joshua Dionisio dahil balitang may kasunod na silang project sa GMA 7 at sila pa rin ang partners.

Bawal pa lang sabihin kung ano ang next project ng magka-loveteam na ang isa’y daily at may weekly pa yata kasama ang iba pang tweenstars ng network.

Samantala sa final episode ng Pilyang Kerubin, dahil sa pagsasakripisyo ni Angelica na ipalit ang balahibong naipon para mabuhay ang ina, maaawa sa kanya si Ama at pababalikin siya sa langit at pagagalingin si Melissa (Angelika dela Cruz).

vuukle comment

ADOBO FESTIVAL

BARBIE FORTEZA

DAHIL

LEFT

PARA

PILYANG KERUBIN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with