Sincerity pinagdududahan, Kris nagtawag ng TV crew nang bumisita sa mga biktima ng hostage
Seen : Nilalagyan ng malisya ang sincerity nang pagdalaw at pagdadala ni Kris Aquino ng mga prutas sa mga Chinese hostage victims na naka-confine sa ospital dahil nagtawag ng TV crew ang kampo niya para may television coverage ang kanyang ginawa.
Scene : Hindi mabubura ng pagbisita ni Kris Aquino sa mga hostage victims ang kuwento ni Hong Kong Chief Executive Donald Tsang na sinubukan nitong tawagan sa telepono si P-Noy habang nagaganap ang hostage incident ngunit hindi sinagot ng pangulo ng Pilipinas ang kanyang tawag.
Seen : Pare-parehong may pagkakamali ang gobyerno, pulis, at media sa palpak na paglutas sa hostage crisis noong Lunes. Huwag na silang maghanap ng sisisihin.
Scene : “Major, major” ang bukambibig ng mga Pilipino dahil sa “major, major” na sagot ni Maria Venus Raj sa question and answer portion ng Miss Universe 2010 pageant.
Seen : Ngayong umaga ang dating ni Venus mula sa Las Vegas at isang mainit na pagsalubong sa kanya ang inihanda ng Bb. Pilipinas Charities Inc.
Scene : Ang guesting kahapon ni 2009 Bb. Pilipinas-Universe Bianca Manalo sa Umagang Kay Ganda dahil siya ang nag-assess ng performance ni Venus sa Miss Universe. Wala sa posisyon si Bianca na mag-evaluate dahil thank you girl siya sa Miss Universe pageant noong nakaraang taon.
Seen : Ang pahayag ni Lovi Poe sa presscon ng Love Bug na wala siyang inaamin o idini-deny na may relasyon sila ni Congressman Ronald Singson. Hindi natandaan ni Lovi na “No” ang kanyang sagot nang mag-guest siya sa Don’t Lie to Me segment ng Showbiz Central at tanungin kung boyfriend niya si Singson.
Scene : Ang victory at thanksgiving party ngayon ng GMA at Viva Films dahil sa box-office success ng In Your Eyes.
- Latest