Mga nagtsismis binantaan, hindi buntis ang anak ko - Bing Loyzaga
Maraming naglabasang isyu tungkol sa pagbubuntis diumano ng panganay na anak nina Janno Gibbs at Bing Loyzaga na si Alyssa. Kaya naman pinuntahan kaagad ng SNN (Showbiz News Ngayon) si Bing para linawin ang isyung ito.
“No she’s not pregnant, she just graduated. She underwent a training as a teacher for grade school and kinder children, a very good school,” bungad ni Bing. “Maraming-maraming lumalabas tungkol sa anak ko at kung anuman ang nangyari sa mga anak ko, one, ako ang unang magsasalita dahil ako ang ina nila. Pangalawa, ‘yung mga taong walang magawa sa buhay, siguro ‘wag na lang nilang pakialaman ‘yung wala sa industriyang ito kasi nananahimik sila. Gumagawa sila ng magandang buhay, gumagawa sila nang mabuti para sa bayan na ‘to, sana gawin n’yo rin ‘yun. She feels parang what did I do wrong to these people who are talking. Siyempre she feels hurt, somehow she feels betrayed by the industry na she has grown to love na, because it’s a business I am in and her father too, what did I do to the industry to deserve this?”
Ngayon ay mayroon silang aksiyon na gagawin. “We’re checking out everything that is coming out and see where this lead. We’ll see how it goes, tama man o mali ay ipaglalaban ko ang katotohanan tungkol sa anak ko. Sana kapag magbibigay tayo ng news sana maging katotohanan, let us be responsible on what we write, ‘yun lang,” emosyonal na sabi ni Bing.
Angelica binisita si Greta
Matapos ang matagal-tagal ding patutsadahan at palitan ng maaanghang na salita, sa wakas ay natapos na rin ang alitang namagitan kina Gretchen Barretto at Angelica Panganiban.
Noong isang linggo ay napabalitang bumisita si Angelica sa taping ng Magkaribal at doon naganap ang pagkakaayos ng dalawang aktres. “Angelica came to our set at around 2:30 a.m. and she brought a lot of joy to everyone,” nakangiting bungad ni Gretchen.
Natuwa rin si Angelica sa pangyayaring ito.
“Nakakatuwa ‘yung personality niya (Gretchen) dahil sobrang young ng dating,” maikling pahayag ni Angelica.
Sagot naman ni Greta, “It is pure joy to make peace at all cost. Humility is what Angelica has taught me. I see Angelica’s beauty inside and out. I thank my co-star and friend Derek Ramsay for making it possible for Angelica and for me to be friends. I am so looking forward to countless years of great friendship, fun and laughter.”
- Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest