'Di bitter, Bea umaasa pa ring makita ang tatay
Hindi lamang naman ang kawalan ng ama ang problemang tinatalakay sa pelikulang pang-17th anniversary ng Star Cinema kundi ang napakaraming problema na kinakaharap ng maraming pamilya sa bansa, pinapangunahan na ang pambababae ng haligi ng tahanan.
Ito ang problemang kinakaharap ng iniwang pamilya ni Christopher de Leon na itinaguyod ng isa sa mga anak niya na ginagampanan ni Bea Alonzo na siyang tumayong breadwinner in his absence. Nakapagtataka ba kung hindi nito tanggapin ng madali ang kanyang pagbabalik?
May pagkakatulad sa kanyang tunay na buhay ang sitwasyon ni Bea sa movie. Siya rin ang tumatayong provider ng kanyang pamilya dahil wala siyang ama na gumagawa nito pero taliwas sa asal ng kanyang character sa movie, hindi bitter si Bea sa kawalan ng isang father figure sa buhay niya. Tinanggap niya ang kanyang tadhana at nagsikap na magkaroon ng isang masayang pamilya kahit wala ang haligi ng kanilang tahanan.
Pero umaasa pa rin siya na magkakaroon ng magandang ending ang istorya ng kanyang buhay. Kahit paano, naroon pa rin ang pag-asa na makikitang muli ang kanyang ama at magkaroon ng happy ending ang istorya ng kanyang buhay.
Ulila rin sa ama si Diether Ocampo pero ito ang nagtulak sa kanya para magsikap ng husto at maiangat ang kanyang pamilya.“Nag-succeed naman ako pero iba pa rin ’yung may tatay sa piling namin na siyang magtataguyod sa pamilya at kaming mga anak ay magiging katulong lamang nya. Since ito siguro ang nakatakda sa amin, we’ve learned to accept his absence in our life, pero malaking epekto sa akin na wala siya,” sabi ni Diether na kasamang nagtataguyod ng Sa ’Yo Lamang, sa direksiyon ni Laurice Guillen.
Kasama pa rin sina Lorna Tolentino na siyang gumaganap ng role bilang ilaw ng tahahan, ang babaeng iniwan ng kanyang asawa at mag-isang nagtataguyod ng kanyang pamilya, Coco Martin, Zanjoe Marudo, Shaina Magdayao, Enchong Dee, Empress, Miles Ocampo, at Lauren Young.
Palabas na ang pelikulang ito na halaw sa mga tunay na kasaysayan ng maraming pamilya na nakausap at nakasama sa research ng manunulat na si Ricky Lee at ng kanyang team.
Lumalabas na tipikal na problema sa pamilya ang pambababae ng lalaki at marami sa atin ay tinatanggap ito bilang parte ng buhay na nagkakamali pero binibigyan ng pagkakataon na bumangon, hindi ibig sabihin ay katanggap-tanggap na ito. Ang solusyon sa problemang ito ay mamamalas sa pelikula sa pagpapalabas nito sa unang araw ng Setyembre sa mahigit na 100 sinehan sa bansa.
* * *
Natatawa rin si German Moreno kapag tinatanong kung totoong mawawala na sa ere ang Walang Tulugan niya. Makaka-sampung taon na rin ito pero hanggang ngayon ay going strong pa rin naman. Katunayan, ito ang nagpauso sa mga programang pang-madaling araw, nagawa nitong iusog ang primetime sa kasalukuyang oras nito. Matapos makapag-air ng Walang Tulugan, marami na ang nagsunuran, marami ng programa ang mapapanood sa ganitong oras.
“One of the top five shows ng GMA 7 sa abroad ang Walang Tulugan. Dun napapanood ito sa primetime, mga early afternoon at hindi more than once. Kaya nga lagi akong lumalabas ng bansa, para mag-promote ng GMA Pinoy TV ’di lamang sa US kundi maging sa Australia at Asia,” pagmamalaki ng Master Showman.
Sa programa rin ni Kuya Germs na GMA Supershow unang nauso ang pagpo-promote ng mga pelikula na ginagawang bahagi ng programa. Gumagawa ng production number ang mga artistang nagpo-promote at hindi na sila sumisingil ng talent fee. Bilang kapalit, ipinalalabas ng libre ni Kuya Germs sa show ang trailer ng mga pelikula na hindi nagustuhan ng isang exec ng network kaya kinuwestiyon sila. Ipinaliwanag niyang give and take lang ang ginagawa nila. Libre ang trailer at libre rin ang performance ng mga artista. Sa sumunod na eksena, ang exec na ang nakikipag-usap sa mga movie producers tungkol dito.
- Latest