Angel big winner sa US Girls August Awards 2010
MANILA, Philippines - Maging sa mundo ng fashion, patuloy na namamayagpag ang mga bida ng primetime na sina Andi Eigenmann, Angel Locsin, Anne Curtis, Erich Gonzalez, Kim Chiu at Kristine Hermosa matapos mag-uwi ng karangalan sa Us Girls August Awards 2010 noong Huwebes (Agosto 19).
Parehong itinanghal na Face of the Year sa Teen Category sina Andi ng Agua Bendita at Erich ng Magkaribal, samantalang Face of the Year naman sa 20s Category si Kim at si Kristine, na dumating sa Icon Bar sa Hotel Intercon sa Makati kasama ang kasintahang si Oyo Boy Sotto.
Pinangalanan din ang mga aktres na sina Anne Curtis at Iza Calzado bilang Best Dressed Celebrities kasama ng modelong si Georgina Wilson, designer na si Mai Kaufman at ang dating Wowowee host na si Kelly Misa.
Big winner naman ang premyado at mapagkawang-gawang aktres na si Angel Locsin matapos tanggapin ang prestihiyosong Icon award dahil sa kanyang mga tagumpay sa personal at propesyunal na buhay.
Pinarangalan din ang mga taong responsable sa pagpapaganda nila at iba pang celebrities. Hinirang na Stylist of the Year sina Angela Alarcon, Alyanna Martinez at Kat Cruz at sina Mickey See, Lourd Ramos at Claire Diokno naman ang dalawang Make-up Artist of the Year.
Abangan ang highlights ng Us Girls August Awards 2010 tampok ang performances nina Nikki Gil, Sam Concepcion, Velasco Brothers at Kris Lawrence sa Studio 23 sa susunod na Linggo (Agosto 29), 6:30 p.m.
- Latest