Flawless may beauty sale!
MANILA, Philippines - Ang leading facial clinic at paborito ng mga stars na Flawless ay may munting regalo para sa mga masusugid na kliyente. Ngayong mahaba ang weekend dahil sa holiday (simula ngayong Biyernes, Aug. 20, hanggang Lunes, Aug. 23) may Flawless White 4-Day Beauty Sale sa lahat ng 32 branches na may malalaking discount ang mga whitening products at ilang services.
Ang Flawless White Injectables, na hindi lang mabilis na makapagpaputi ng balat kundi nababawasan pa ang mga freckles at age spots ay makukuha ng may 20%-50% off kung may pupunta na grupo mula dalawa hanggang limang tao at 10% naman kung nag-iisa lang.
May buy one-take one promo sa Blister Packs ng Whitening Capsules; ang Acne Control Lotion naman ay P180 na lang; at ang AHA Moisturizing Cream ay P150 na mabibili hanggang Aug. 24 lang.
Ang mga makakabili ngayong weekend sale ay maaaring makasali sa Designer Bag Raffle ng Flawless. Isang masuwerteng kliyente ang makapag-uuwi ng maganda at mamahaling branded bag kada buwan. At ang pinakahuling pa-premyo para sa anibersaryo ng beauty clinic sa Disyembre ay ang one-karat diamond.
Bumisita na sa pinakamalapit na Flawless clinic at baka matiyempuhan pa ang mga endorsers na tulad nina Richard Gutierrez, Judy Ann Santos, Lorna Tolentino, Yasmien Kurdi, Mark Herras, Alyssa Alano, Butch Francisco, at ang ilang StarStruck talents.
- Latest