^

PSN Showbiz

Jennylyn enjoy na walang trabaho

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Ano ba’t sunud-sunod ang pagkakasakit ng mga artista at hindi lamang sila basta nagkakasakit, talagang nao-ospital pa sila. Ibig sabihin ba nito ay sobrang pagod na sila sa kanilang gawain?

But why take work more than they can handle? I’m sure, sasabihin nilang sinasamantala lang nila ang pagkakataon.

Ngayon lamang nangyari na halos magkakasunod na nagkasakit  ang mga Kapusong sina Mark Herras at Marian Rivera at sina Derek Ramsey at Enchong Dee ng ABS-CBN  dahil sa sobrang pagod din.

Mga bata pa kasi ang mga ito kaya ang pagkita ng pera ang pinaka-pinagkakaabalahan, nakakalimutan at napapabayaan tuloy ang kanilang kalusugan. Sana nga, over fatigue lamang ang problema nila at hindi mas malubha pang sakit dahil kapag nagkataon, masasayang ang pinagpaguran nila, mapupunta lang sa pagpapagamot nila.

Isang  kalabit lang ito sa kanila, isang pagpapaalala na walang mas mahalaga pa kesa sa isang ma­gan­dang kalusugan at ito ang dapat nilang mithiin, hindi yung pagkita ng maraming pera na mauubos lamang kapag nagkasakit sila.

*    *    *

Nagtatampo raw ang mga fans ni Jennylyn Mercado dahil wala pang kasunod ang serye nitong Gumapang Ka Sa Lusak. Feeling nila, nakakalimutan na naman ito ng network.

Naman, naman. Masyado naman kayong mainipin. For all you know, nai-enjoy ni Jennylyn ang kawalan niya ng bagong assignment sa GMA dahil bukod sa nakakapag-bonding sila ng kanyang anak ay naasikaso niya ng mabuti ang kanyang ginagawang pelikula.

Yes, may pelikula siya. At gaya ng sinasabi ko, one at a time lang ang pagtanggap ng trabaho para hindi masyadong mapagod at magkasakit. Jennylyn can not afford to be sick, single mom siya at kailangan niyang kumayod para sa baby niya .

*    *    *

Magi-ending na nga ba ang palabas ng inaanak kong si KC Concepcion sa Dos?

Kung kelan pa naman gumaganda na ito at saka pa mawawala?

Kunsabagay, feel ko na mas maganda kung isang lifestyle o magazine show ang i-host ni KC, mas bagay siya sa ganitong programa although I must say na madaling mag-adjust si KC.

Sabi ko nga, gumaganda ang Simply KC, tapos mawawala na, bakit?

*    *    *

Totoo bang nagkaka-problema ang Star Awards for Music ng PMPC? Sayang naman ang pagpupunyagi ng mga miyembro na makapagbigay parangal sa mga tao na nasa likod ng industriya ng ating musika. Tagumpay naman yung una nilang tangka na ginawa pa sa Skydome. What happened?

Hanga pa naman ako sa PMPC dahil sa hirap ng panahon ngayon ay nakakakuha pa rin sila ng mga gustong mag-prodyus ng mga pagbibigay nila ng awards sa pelikula, TV at ito ngang musika.

Kung sabagay, kung wala kayong makuhang produ you can produce your awards nights yourselves. Baka mas kumita pa kayo, yun nga lang mas magtatrabaho kayo, kikilos, hindi yung naghihintay na lamang kayo ng awards night. 

DEREK RAMSEY

ENCHONG DEE

GUMAPANG KA SA LUSAK

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

MARIAN RIVERA

MARK HERRAS

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->