^

PSN Showbiz

Edu at Luis may kompetisyon!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Nung Lunes sa radio prog­ram ko ay ang da­ming tuma­wag condemning Bianca King for quar­reling with Heart Evan­gelista. Obviously, mas ma­rami ang kampi kay Heart dahil nagagalit nga sila kay Bian­ca at sina­sabing marami itong kaaway hindi lamang si Heart. 

I’ve seen Bianca at okay na­man siya, nam­baba­ti at madalas nakangiti pa. Pero bakit sinasabi ni­lang palaging nakasi­mangot ito?

Baka natitiyempo sila na wala sa mood o kaya naman may ini­isip o problema ang aktres pero I’m sure hindi niya natural ’yung hindi ngumingiti. Sana huwag nilang agad husgahan. I must admit na kila­la ko si Heart, she’s one of the sweetest per­sons, pala­ging maganda ang disposition. Naka­pagtataka lang na para sa kanya, Bianca doesn’t exist. Lalaki kaya ang dahilan ng kanilang away? (FYI. Lu­ma­bas na po ang kuwento na si Bianca ang kare­las­yon ngayon ng ex ni Heart na si Ian Dy kaya sila magkaaway – SVA)

* * *

Sino kaya ang mas magaling na game show host, ang anak o ang ama?

It’s unfair na pagkumparahin ang mag-amang Edu at Luis Manzano. Dahil lamang sa pareho silang nagho-host ng mga game shows. Si Edu na isa nang Kapuso ngayon ay isang game show ang unang assignment sa GMA 7.

Bagama’t nakakaangat ang ama dahil mas ma­haba ang karanasan nito sa nasabing trabaho at ta­la­­ga namang hindi lamang sa pagho-host ng mga pakontes mahusay si Edu, magaling din itong ar­tista, pero mabilis nang humahabol sa kasikatan niya at kagalingan ang kanyang anak kay Vilma Santos na nakuha na ang talent ng ina sa pag-arte ay namana pa rin ang husay sa pagho-host ng kanyang ama at ang galing sa komedya.

Yes, Edu and Luis ay ma­gandang ehemplo ng mag-ama na kahit rivals sa kanilang mga tra­baho ay walang kum­peten­siyang naki­kita ang mga ma­no­nood sa TV sa kanila. May respeto sila sa isa’t isa at tiwa­la sa kani-kanilang kaka­yahan.

* * *

Hindi ko akalain pero maganda palang tan­dem sa TV sina Car­mi­na Vil­larroel at Zoren Le­gaspi. Ki­tang-kita mo ang pag-aalalay nila sa isa’t isa, hindi nagpa­patalbugan kundi nag­tutulungan.

Hindi mo rin sila kaki­kitaan ng kahit pinaka­maliit na effort na mau­ngusan ang isa. Feel mo na gusto nilang ma­ging ma­gan­dang tandem. Ganito si­gu­­ro sila in real life, kaya ma­ganda ang sama­han nila, des­pite the fact na walang kasal na nag-uugnay sa ka­nila.

vuukle comment

BIANCA

BIANCA KING

EDU

EDU AND LUIS

HEART EVAN

IAN DY

LUIS MANZANO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with