^

PSN Showbiz

James Yap kokontrahin ang custody case na isinampa ni Kris

- TALONG ANONYMOUS -

TRUE : Desidido na si Liezl Sicangco na kala­banin si Robin Padilla kung matigas ang aktor na hin­di nito ibibigay sa dating asawa ang bunsong anak nilang si Alih.

Dahil sa pagsalita ni Liezl laban kay Robin, may mga naglabasang komento na hindi nagustuhan nito, lalo na ang isyung naghahabol ito ng pera sa aktor. Kaya nakahanda siyang maglabas ng mga ebi­densiya na hindi ito totoo.    

Sa ngayon ay tahimik si Robin alang-alang sa pag-observe ng Ramadan. Umalis ito patungong India pero hindi naman siya magtatagal doon.

Humingi ito ng paumanhin kay Liezl at sa lahat ng mga nadamay sa kanilang gulo. Ang gusto lang niya ay kapayapaan kaya willing naman itong ibigay ang bata pagkatapos lang ng pag-aaral.

Nag-text naman si Liezl bilang sagot sa inilabas na statement ni Robin.

“Hindi na po maganda ang mga lumalabas na comments sa Internet. Antayin n’yo na lang po pagkatapos ng Ramadan ay ilalabas ko lahat ng evidence,” bahagi ng mahabang text mes­sage na ipinadala nito sa amin.

TANONG : Hindi na ba si Toni Gonzaga ang ma­ka­­ka-partner ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa pang-Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nila ni Vic Sotto na Agimat ni Enteng?

Ipinakilala na ng GMA 7 ang isa nilang magan­dang baguhang talent na si Gwen Zamora na siyang bagong Faye ni Enteng Kabisote sa naturang pelikula.

Ang latest na narinig namin ay si Sam Pinto ang isa sa mga pinagpilian dahil lumipat na pala ito sa GMA 7.

Ipinaubaya na ni Sen. Bong sa GMA Films at sa kapatid niyang si Andeng Ynares ang pagpili ng makaka-partner niya.

Ang mahalaga sa kanya ay si Bossing Vic ang kasama niya sa pelikulang ito.

TOTOO KAYANG magpa-file ngayong araw si James Yap ng motion para kontrahin ang pag-file ni Kris Aquino ng custody sa kanilang anak na si Baby James?

Napag-alamang nag-file si Kris na hindi puwedeng dumalaw si James sa kanilang anak at pinapatanggal ang apelyido nito.

Hindi namin ito nakumpirma sa kampo ni Kris kung totoo nga pero reliable ang source naming kokon­trahin nga ito ng star cager kaya kumuha ito ng maga­ling na abogado para maipaglaban naman ang karapatan niya bilang ama ni Baby James.

Sa binyag ng anak nina Gov. Junjun at Andeng Ynares nung isang araw, hindi sumipot si Kris na kinuhang ninang. Ang anak niyang si Baby James ang pinapunta na enjoy na enjoy sa paglalaro.

TSIKA LANG : Ngayong araw ay magda-dry run na si Edu Manzano sa kanyang bagong game show sa GMA 7, ang Asar Talo, Laging Panalo.

Ilang beses nang nakipag-meeting si Edu sa staff at tuwang-tuwa sila sa ak­tor dahil ang dami nitong inputs para lalong mapaganda ang show.

Sabi naman ni Edu, ibang-iba ito sa nagawa niyang game show sa ABS-CBN kaya excited siya dahil bago ito sa mga viewers na tiyak magugustuhan ng mga manonood.

Ang tinitiyak lang ni Edu, hindi na siya sasayaw sa bagong show dahil ito nga ang isa sa mga dahilan kung bakit sinabi niyang hindi na babalikan ang dating game show sa kabila.

Sa pagpasok ng buwan ng September ay magsisimula na ang Asar Talo, Laging Panalo ni Edu na malamang gayahin din ng kalabang network.

ANDENG YNARES

ASAR TALO

BABY JAMES

EDU

LAGING PANALO

LIEZL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with