^

PSN Showbiz

Robin 'di papatulan si Liezl

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Kusang-loob ang pagdedeklara ni Liezl Si­cangco ng ceasefire sa hindi nila pagka­kau­nawaan ni Robin Padilla.

Stop muna si Liezl sa pagsasalita dahil sa Ra­madan. Hindi na rin siya natutuwa sa mga com­ments na nababasa niya sa Internet pero hindi sinabi ng ex-dyowa ni Robin ang name ng mga tao na kanyang tinutukoy.

“Hindi na po maganda ang mga lumalabas na comments sa Internet. Antayin n’yo na lang po pagkatapos ng Ramadan ay ilalabas ko lahat ng evi­dence. Mali po ang mga sinasabi sa Internet kaya po tigilan ninyo na dahil mapapahiya lang po kayo sa mga sinasabi ninyo. Hindi po kayo nakakatulong kay Robin at huwag na huwag idamay ang nanay at mga kapatid ko. Peace po!”

*    *    *

May tsismis na kumakalat na walang balak si Robin na sagutin ang mga akusasyon ni Liezl?

Hindi magsasalita si Robin dahil maliban sa Ramadan, may respeto siya sa ina ng kanyang apat na anak.

Paninindigan ni Robin ang pagiging gentleman at ang kanyang paniniwala na minamahal ang mga babae, hindi inaaway o sinasaktan.

*    *    *

Kasali sa Survivor Philippines: Celebrity Showdown si Yaya Moi. The who si Yaya Moi? Siya ang alalay ni Piolo Pascual na nabigyan ng break sa Kimmy Dora.

Celebrity na rin si Yaya Moi dahil kabilang siya sa mga castaways ng Survivor Philippines.

Dahil sa pag-join niya sa reality show ng GMA 7, expected na lalong makikilala ng mga tao si Yaya Moi.

Ang tanong, tuluy-tuloy na kaya ang pagiging showbiz personality ni Yaya Moi o babalik siya sa kanyang work bilang yaya o personal assistant ni Piolo?

*    *    *

Kasali rin sa Survivor Philippines sina Michelle Madrigal at John Hall. Magdyowa ang dalawa sa tunay na buhay at ang balita ko, lalong lumalim ang relasyon nina John at Michelle sa isla na kanilang pinuntahan.

Mga celebrity castaways din sina Ian Batherson at Princess Snell na parehong Avengers ng StarStruck V. Iba’t iba ang karakter ng mga kasali sa Survivor Philippines kaya makulay, masaya, at nakakaintriga ang mga eksena sa reality show ni Richard Gutierrez.

*    *    *

Hindi pa puwedeng mag-guest si Dr. Hayden Kho, Jr. sa mga TV shows kaya hindi niya mapaunlakan ang mga imbitasyon sa kanya.

Ang mag-lie low ang advice kay Hayden ng mga abogado niya habang hindi pa tapos ang hearing ng kaso nila ni Katrina Halili.

Malapit nang magkaroon ng conclusion ang linggu-linggong pagdinig sa kaso nina Hayden at Katrina. Malamang na maglabas ng desisyon ang korte bago mag-goodbye ang 2010.

*    *    *

Special guest sa Dokumentado sa darating na Miyerkules si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte.

Sasagutin ni Mama Joy ang intriga na inalok ng kampo niya ng isandaang milyong piso ang isang kandidato para umatras ito sa nakaraang eleksiyon.

Type na type ko ang sagot ni Mama Joy kay Luchi Valdes, ang host ng Dokumentado. Ang sey ni Mama Joy, “Sa palagay mo Luchi, kung may P100 million ako, ibibigay ko sa kanya?”

CELEBRITY SHOWDOWN

DOKUMENTADO

DR. HAYDEN KHO

MAMA JOY

SURVIVOR PHILIPPINES

YAYA MOI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with