^

PSN Showbiz

Sikat na komedyana, sobrang kuripot!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Nakakuwentuhan ko ang isang lady photographer na matagal na sa showbiz. Ikinuwento nito ang mga paboritong artista na matagal na niyang kinukunan ng mga photos at karamihan sa kanila ay galante kaya ganado siyang igawa ang mga ito ng album.

Pero may isang sikat na komedyana na mabait naman pero nawawalan siya ng ganang kunan dahil sa pagiging super kuripot nito gayung ang dami nitong proyekto at in-demand ngayon. Sandamakmak na photos ang ibinibigay nito sa komedyante dahil kapag nakikita siya ay sinasabing kunan siya. Pero nadidismaya ang photog dahil binibigyan lang siya ng P500.00.

Hindi naman siya makatanggi dahil kaibigan niya ang komedyana pero ngayon ay nawawalan na siya ng gana na kunan ito dahil sa pagiging makunat pa sa inuyat.

* * *

Natural na natural ang akting ni Cesar Mon­tano bilang asawa ni Ara Mina at ama ng kambal na sina Rhian Ramos at Jackie Rice sa Ilumina.

Sana mabigyan pa ito ng matitinding proyekto ng GMA 7. 

* * *

May bagong thrust na ipinatutupad ang UNTV na “rescue before reporting.” Sa talumpati ng CEO na si Daniel Razon sa isang pagdiriwang na ginawa sa World Trade Center kamakailan, sinabi nito na natutuwa siya sa maagang pagbabalita ng staff ng network pero mas higit na mahalaga ang pagtulong sa mga biktima ng trahedya, aksidente o krisis.

“Di bale nang mauna kayo sa pagbabalita (referring to other stations) basta ang uunahin namin ay ang tumulong sa kapwa,” kampanya ni Razon.

vuukle comment

ARA MINA

CESAR MON

DANIEL RAZON

IKINUWENTO

ILUMINA

JACKIE RICE

PERO

RHIAN RAMOS

SIYA

WORLD TRADE CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with