^

PSN Showbiz

Komedyante sinibak sa daily show!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Tsugi na ba ang come­dien­ne host na ito sa daily show na matagal na siyang co-host? Kinuha kasing ba­gong co-host ng show na pang-female au­dien­­ce ang isang magaling na actress na obviously ay ipa­palit sa comedienne dahil hindi naman puwe­deng tatlo silang hosts ng show dahil maikli lang ang airing time nito.

Hindi tiyak ang aming source kung ililipat sa ibang show ng istasyon ang co­­me­dienne o hahayaang tuluyang lu­mipat sa kalabang istasyon kung saan may show din siya.

Ang feeling nang naka­ka­alam sa ma­lapit na pag­ka­­wala ng comedienne sa dai­ly show ay hindi na­gu­gustuhan ng manage­ment ng network na unang pina­sukan ang spiel nito sa show na katapat pa naman ng show nang iiwang net­work. For sure, hindi paba­bayaan ang come­dien­n­e ng main host ng show nang iiwang show dahil BFF sila.

*   *   *

Kunwari’y napasigaw si Ogie Alcasid nang ma­la­mang ibinalita ni Dr. Vicki Belo na aalis sila ni Re­gine Velasquez for Los An­geles, California dahil sa­sa­­mahan niya si Songbird na magpagawa ng wed­ding gown kay Monique Lhuillier. After i-announ­ce ang kanilang kasal, ayaw na sanang magku­­­wento ng ibang wedding details si Ogie, pero may naka­lulusot pa rin.

Ngayon pa lang, nagso-sorry na si Ogie dahil hin­­di nila maiimbitahan ang lahat sa kasal nila at sana raw, maintindihan sila ni Regine. Sikreto pa ang date at venue ng kasal na sabi ni Ogie ay “contained.”

Samantala, magsasama sina Ogie at Maestro Ryan Cayabyab sa concert dubbed O.C. at the P.I.C.C. sa Oct. 8 at guest si Noel Cabangon na very honored na makasama ang dalawa.

Nabanggit ni Ogie na No. 1 ngayon sa Hong Kong si Rico Blanco at sikat si Chris­tian Bau­tista sa Indonesia, pero sa ’Pinas, foreign singers gaya nina Jus­tin Bieber, Lady Gaga, at mga Korean groups ang namamayagpag.

*   *   *

Mga close kay Kuh Ledesma ang ku­mum­­binse sa kanyang tanggapin ang offer ng GMA 7 na masama sa cast ng End­less Love. Binasa niya ang synopsis ng kanyang karakter, pero hindi niya alam na sobrang bad ang role niya bilang si Jackie Tantoco na ina ni Dennis Trillo.

Wish ni Kuh na hindi magalit sa kanya ang mga fans ni Marian Rivera dahil aapihin niya ito ng bong­gang-bongga sa susunod na episode. Nag-sug­gest siya sa staff na bawasan ang kanyang pag­tata­ray dahil kung hindi, hindi siya sisipot sa taping. Nag-react din ang anak niyang si Isabella sa kontra­bida role niya at sabi ’wag nang tumanggap ng ganung role sa susunod.

May isa pang pakiusap si Kuh sa staff, na ’wag gagalawin ang kanyang buhok.

“Sabi ko, you can grab my arm, but you don’t touch my hair,” say ng diva.

Ibinalita ni Kuh na balak niyang magprodyus ng indie film, wala pang pangalan ang film company niya, pero may story at cast na siya. Makakasama niya sina Gina Alajar, Cheri Gil, Nanette Inventor, Tessie Tomas, at dalawa pang aktres.

*   *   *

Reyna ng Saturday programming ng GMA 7 si Eugene Domingo dahil dalawa ang shows niya sa araw na ito. Unang umeere ang Jejemom na pilot episode mamaya at isang show lang yata ang pagitan at airing naman ng Comedy Bar nila ni Allan K.

Thankful si Eugene sa network, sa writers, at kay Direk Dominic Zapata sa pagbibigay sa kanya nang nakatatawang sitcom na trailer pa lang, nagustuhan na. Colorful ang looks ng show pati ang costume at pagka-jejemon ni Eugene.  

Any comment sa Queen of Comedy title na ibinigay sa kanya at kay AiAi delas Alas?

 “Pasalamat ako sa mga title na ‘yan, pero okey na sa aking tawaging artista kahit walang title.

ALLAN K

CHERI GIL

DAHIL

KUH

NIYA

OGIE

SHOW

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with