^

PSN Showbiz

Hindi nagpakalalaki, James hindi kinikilala ang panganay na anak

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Be man enough ang message ko kay James Yap. Sinadya ko na Ingles ang message dahil mas okay pakinggan ang “Be man enough” kesa magpakalalaki ka.

Bakit sinasabihan ko si James ng “be man enough?” Hindi ko type ang pag-aalay niya ng kanyang MVP award kay Bimby aka Baby James!

Si Mrs. Annie Yap na ang nagsabi na may anak si James sa ibang babae na mas matanda kay Bimby. Nararapat lamang na i-acknowledge ni James ang kanyang panganay na anak, kesehodang hindi pa sila nagkikita ng bagets.

Huwag nang hintayin ni James ang araw na makaka-feel siya ng guilt dahil may tampo sa kanya ang panganay niya. Buntis na ang dating girl­friend ni James nang piliin nito si Kris Aquino kaya may karapatan ang bata na magsalita na siya ang unang anak.

*   *   *

Maraming salamat kay Congressman Toby Tiang­co dahil sa mga seafood na ipinadala niya sa akin.

Na-excite ako nang ma­tanggap ko ang mga sari­wang pusit at isda mula kay Papa Toby. Ipina-adobo ko agad sa aking mga maids of honor ang pusit na napakasarap.

Naloka ako sa malalaking pla-pla na kasing-laki ng giant bangus. Ang tambuk-tambok ng tiyan ng mga isda at hindi ako magsisinungaling na nagkaroon ako ng duda na baka may datung sa loob ng katawan ng mga pla-pla.

Mali ang aking akala dahil talagang fresh and healthy lang talaga ang mga isda.

*   *   *

Natatandaan n’yo ba ang dating aktres na si Carla Varga?

Kung hindi, walang problema dahil hindi ko na rin siya maalaala.

Nakilala ko si Carla noong Huwebes dahil kay Lando Jacob na matagal ko nang kaibigan.

Short-lived ang showbiz career ni Carla dahil nakapag-asawa siya ng isang rich Japanese businessman.

Type ni Carla na lumabas uli sa isang TV show kahit minsan lang dahil nami-miss niya ang pag-arte.

Gusto rin ni Carla na mag-produce ng concert sa Japan. Kukumbinsihin niya ang kanyang dyowa na dalhin sa Japan ang mga Filipino talents dahil patok na patok ito sa mga kababayan natin doon.

Isang sikat na TV host ang pinupuntirya ni Carla na ipagpo-produce ng concert. Secret muna ang name ng TV host para hindi mabulilyaso ang mga plano ni Carla.

*   *   *

Si Carla ang nagkuwento sa akin na Hapon din ang napangasawa ni Aya Medel.

Richie rich din ang dyowa ni Aya at may isa na silang anak.

Nakatira si Aya sa isang bonggang condo sa The Fort.

At least, magaganda ang buhay ngayon nina Carla at Aya. Ang say nga ng isang ka­tsikahan namin, very lucky ang dalawa dahil hindi sila katulad ng ibang mga sexy stars na napapanood sa Wish Ko Lang dahil mga Purita Mirasol (poor) na sila.

AYA

AYA MEDEL

BABY JAMES

BIMBY

CARLA

CARLA VARGA

CONGRESSMAN TOBY TIANG

DAHIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with