Nanay ni James Yap nakalimutang sikat ang anak
Tama naman yung kahilingan ng ina ni James Yap na kung tuluyan na ngang magkakahiwalay ang kanyang anak at si Kris Aquino ay mangyari sana ito ng tahimik. Apektado siya dahil sa nakikita niyang pagsasapubliko ng lahat ng mga kaganapan. Nakalimutan siguro niya na parehong mga sikat na personalidad ang mag-asawa kaya sa ayaw nila at sa gusto, magugulo sila, mababalita.
Ewan ko kung ano pa ang magiging saloobin niya na hindi na mapipigilan ang paghihiwalay ng dalawa dahil nag-file na ng declaration ng nullity and void si Kris.
Magiging masaya ba siya dahil finally ay mapuputol na ang kaugnayan ng kanyang anak sa asawa nitong hindi naman nila feel? O malulungkot ba siya dahil failed ang marriage ng kanyang anak?
* * *
Sa kabila ng mga preparasyon, isang simpleng kasalan lamang ang gustong mangyari nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Sa wedding ceremony daw, mga close friends and family lamang ang imbitado pero sa reception iimbitahan ang napaka-habang listahan ng mga panauhin.
Intindihin na lamang natin na kahit pareho silang sikat, nangangarap sila ng isang matahimik, very solemn wedding kaya pagbigyan na natin sila.
Matagal din nilang hinintay ito, bibiguin ba natin sila? Tutal marami sa atin, ang gusto lang makita ay kung paano ikasal si Regine.
* * *
Kaya naman pala ng dating host ng Wowowee na magtayo ng sarili niyang network eh bakit hindi pa niya simulan ngayon? With his own network, ang boses niya ang makapangyarihan, hindi na niya kailangang umasa sa desisyon ng iba. At makakapagplano siya ng mga gusto niyang programa at kunin ang mga gusto niyang tao.
He has all the resources, the money, walang makapipigil sa kanya na bumuo ng sarili niyang network. Sino ang makapagsasabi, baka nga nakatakda sa kanya ang maging isang malaking network owner and he can start the ball rolling now!
* * *
Binabati ko ang Kapusong si Bryan Termulo, dating kasama sa SOP at miyembro ng grupong You’ve Got Male. Isa rin pala siya sa mga sumali sa World Championship of the Performing Arts (WCOPA) at pinalad na manalo. Hindi man ito pinalad na maging grand champion sa Pinoy Pop Superstar nung sumali at naging runner-up lamang, pero sa kanyang pagsali sa WCOPA ay nag-uwi siya ng silver medal para sa kantang You, unang pinasikat ni Basil Valdez, isa pang silver para sa awiting Vehicle at isang bronze medal para sa kategoryang R&B.
- Latest