Gown ni Regine sa Amerika pa tatahiin!
Maling-mali ang duda ng ibang PSN readers na gimik ang tangka na pag-kidnap sa tatay ni Sarah Geronimo dahil may bagong show ang kanyang anak.
Umamin na si Paulino Mercado sa kanyang kasalanan pero pagnanakaw at hindi pagkidnap ang sinabing motibo niya.
Umiiyak na lumabas sa TV ang anak ng suspect. Nakikiusap ang bagets na patawarin ni Sarah ang kanyang ama kaya paano magiging gimik ang kaso?
Sa mga ayaw maniwala, bakit hindi ninyo dalawin sa kulungan si Paulino at kayo mismo ang mag-usisa sa kanya para mawala ang malisya sa inyong mga isip?
* * *
Kabilang si Dr. Vicki Belo sa mga ninang sa coming soon wedding nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid.
Gaya nang siney niya sa 24 Oras, sasamahan ni Mama Vicki si Regine sa US dahil dito gagawin ang wedding gown ng Songbird.
Ninang din si Sharon Cuneta at ang mga bossing ng GMA 7 tulad ni Atty. Felipe Gozon na personal na pinuntahan nina Ogie at Regine.
Ang Ogie-Regine nuptials ang wedding of the year dahil tiyak na star-studded ito. Pinaghahandaan na ni Regine ang kanyang pagpapakasal dahil isa ito sa mga pinakamahalagang mangyayari sa buhay niya. Willing si Regine na talikuran ang showbiz, alang-alang sa love niya sa kanyang future husband.
* * *
Nakilala ko kahapon sa presscon ng concert ni Ogie si Ma. Pelita Peralta-Uy, ang produ ng O.C. at the PICC.
Pamilyar ang name ni Pelita dahil siya ang producer ng Sigwa, ang critically-acclaimed indie movie ni Joel Lamangan. Si Pelita rin ang nag-produce ng huling Valentine show noong February ng APO Hiking Society.
Matagal nang magkakilala sina Ogie at Pelita. Dati nang magkaibigan ang dalawa at naghintay lamang si Pelita ng tamang panahon para ipag-produce niya ng concert si Ogie.
Pinag-isipan at gagastusan ng produ ang O.C. at the PICC. Si Maestro Ryan Cayabyab lang naman ang kinuha niya para makasama ni Ogie sa concert nito sa Oct. 10. Special guests nina Ogie at Ryan si Noel Cabangon at ang Ryan Cayabyab Singers.
* * *
Kanselado ang cyber presscon ng GMA Films para kay Richard Gutierrez dahil nagkaroon ng conflict sa oras.
Siyempre, may mga reporters na nadismaya sa cancellation ng presscon dahil first time sana na makakadalo sila sa isang cyber presscon.
Very hectic ang schedule ni Richard sa shooting ng Celebrity Edition ng Survivor Philippines kaya hindi na ako nagulat nang malaman ko na may conflict ang cyber presscon sa kanyang trabaho sa lugar na kinaroroonan niya.
Hindi pa dapat mawalan ng hope ang mga nanghinayang sa naunsyaming high-tech na presscon. Sa Aug. 18 pa ang playdate ng In Your Eyes. May chance pa na matuloy ang cyber presscon bago ipalabas sa mga sinehan sa susunod na linggo ang pelikula ni Richard.
- Latest